Ang Pananampalataya sa Huling Araw

Ang Pananampalataya sa Huling Araw

6- "Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon,* saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}

7- {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)* sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}

50- {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa* saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}

75- Ayon kay Annawwa's bin Sam-an-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nabanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol kay Dajjal sa isang umaga,inilalarawan niya ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan niya na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay malapit sa mga puno,at nang pumunta kami sa kanya,napag-alaman niya ito sa amin(ang takot),at nagsabi siya:"Anu ang nangyari sa inyo?"Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,binanggit mo ang tungkol kay Dajjal ngayong umaga,inilalarawan mo ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan mo ito na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay nagtatago malapit sa mga puno,Nagsabi siya:" Maliban kay Dajjal ang ikinatatakot ko sa para sa inyo,at kapag siya ay lumabas at ako ay kasama ninyo,ipagtatanggol ko kayo laban sa kanya,at kapag lumabas siya at wala na ako sa inyo,ang bawat isa ay magtatanggol sa sarili nito,at si Allah ang nag-iisang tagapagtanggol ng bawat Muslim,Si Dajjal ay isang binatang lalaki na may kulot na buhok,ang isang mata niya ay bulag,at naikukumpara ko ang mukha niya kay Al-`Uzza bin Qatan.Sinuman ang umabot sa kanya mula sa inyo,basahin niya ang panimula ng kabanata ng Al-Kahf,Siya ay lilitaw sa mga daan sa pagitan ng Iraq at Sham,at magpapalaganap siya ng matinding katiwalian sa kanan,at matinding katiwalian sa kaliwa,O mga lingkod ni Allah,magpakatatag kayo,)) Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,Hanggang kailan siya magtatagal sa Mundo?Ang sabi niya:((apatnapong araw:Araw na ang katumbas ay isang taon,at Araw na ang katumbas ay isang buwan at araw na ang katumbas ay isang linggo at ang nalalabing araw ay katulad ng araw ninyo)),Nagsabi kami: O Sugo ni Allah;Ang araw na katumbas ay isang taon,sapat naba sa amin dito ang dasal sa isang araw?Nagsabi siya:" Hindi,sukatin ninyo ito,ayon sa naayong sukat nito[regular na oras ng dasal]",Nagsabi kami:Gaano siya kabilis(maglakbay) sa Mundo?"Katulad ng ulap na nasa likod ng hangin"at darating siya sa mga tao,at aanyayaan sila na maniwala sa kanya, at maniniwala sila at tutugon sila sa kanya,Uutusan niya ang kalangitan at uulan,at ang lupa na tutubo(ng mga halaman) at darating sa kanila ang mga alaga nilang (kamelyo) na may mas pinataas na umbok,at puno sa gatas na mga soso(kamelyo),at mas malaki nitong mga balakang,Pagkatapos ay darating siya sa ibang mga tao,at aanyayahan niya sila;at pasisinungalingan nila ang mga sinasabi nito,at lilisanin niya sila,hanggang sa darating sa kanila ang tagtuyot at walang matitira sa mga pag-aari nila mula sa mga ari-arian nila,Pagkatapos ay dadaan siya sa nasalantaan at sasabihin niya dito: Ilabas ang inyong mga kayamanan,at lalabas ang mga kayamanan at susunod ito sa kanya na parang mga lalaki ng pukyutan,pagkatapos ay tatawagin niya ang isang lalaki na magdadala ng maraming kabataan,at hahampasin niya ito ng tabak at puputulin ito sa dalawang piraso,at ilalagay niya ito na magkapantay ang layo sa pagitan ng mamamana at papanahin,pagkatapos ay tatawagin niya ito,at pupunta sa kanya,na may sinag ang kanyang mukha na tumatawa,at sa mga oras na iyon,ipapadala na ni Allah si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bababa siya sa isang Parolang puti sa may Silangang bahagi ng Damascus,na may suot na dalawang tela,nakalagay ang kanyang kamay sa mga pakpak ng dalawang anghel,kapag iniyuko niya ang kanyang ulo,pumapatak ang pawis nito,at kapag itinaas niya ito,pumapatak mula dito ang mga piraso na parang perlas,at walang hindi mananampalataya na naaamoy niya ang bango ni [Eisah] maliban sa siya ay mamamatay,at ang kanyang bango ay laganap hanggat siya ay natatanaw,at hahanapin niya si(Dajjal) hanggang sa mahabol niya ito sa isang pintuan na tinatawag na LUDD at papatayin niya ito,Pagkatapos ay darating kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga tao na naprotektahan ni Allah mula dito,pupunasan niya ang kanilang mga mukha at sasabihin sa kanila ang mga antas nila sa Paraiso,at sa mga oras na iyon;ay ipapahayag ni Allah kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na iniligtas ko ang mga lingkod ko,walang dalawang kamay sa kahit na sinuman ang makikipag-laban sa kanila,iligtas mo ang aking mga alipin sa bundok ng Attur,At ipapadala ni Allah sina Ya`juj at Ma`juj at sa bawat mataas na lugar ay maglalabasan sila,at dadaan ang mauuna sa kanila sa isang dagat-dagatan na tinatawag na Tabariyyah,at iinumin nila ang lahat dito,at dadaan ang pinaka-huli sa kanila na sasabihin nila:Nagkaroon ng tubig dito noon,at nahihirapan ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-hanggang sa naging;ang isang ulo ng Toro para sa isa sa kanila ay mas-mainam mula sa isang-daang Dinar para sa isa sa inyo ngayon,Kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ng mga Uod sa mga leeg nila,hanggang sa silay sabay-sabay na mamamatay tulad ng pagkamatay ng isang tao,pagkatapos ay bababa ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-sa mga mababang lupa,at walang silang matatagpuan kahit na maliit na lugar,maliban sa itoy mapupuno ng mga bangkay nila at mabahong amoy nila,kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-Pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ang mga Ibon na ang kanilang mga leeg ay katulad ng likod ng kamelyo,dadalhin nila ang mga ito at itatapon nila sa kung saan naisin ni Allah,Pagkatapos ay ipapadala ni Allah pagkataas-taas Niya-sa kanila ang Ulan,at mawawala dito ang mga bahay na gawa sa lupa at gawa sa mga balahibo o lana,at mahuhugasan ang lahat ng kalupaan hanggang sa iiwanan itong katulad ng Salamin,Pagkatapos ay sasabihin sa Lupa: "ilabas ang mga Bunga mo,at ibalik ang mga Pagpapala nito,at sa oras na iyon,kakain mula rito ang mga grupo ng mga tao at makakagawa sila ng mga kanlungan nila mula sa balat nito(puno),at Ipagpapala ang gatas hanggang sa ang gatas ng isang kamelyo ay magiging sapat para sa maraming tao, at ang gatas mula sa Baka ay magiging sapat para sa buong tribo ng mga tao,at ang gatas mula sa Tupa ay magiging sapat para sa pamilya ng mga tao,at sa mga Oras na iyon,ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya,ang kaaya-ayang Hangin na pupunta sa mga kili-kili nila,Hanggang sa kukunin ang kaluluwa ng lahat mananampalataya at lahat ng Muslim,at tanging ang mga masamang Tao lamang ang maiiwan,Sila iyong gumawa ng pangangalunya sa mga pampubliko tulad ng pangangalunya ng mga hayop(Asno),At sa kanila ay magaganap Ang Paggunaw sa Mundo)) Isinaysay ito ni Imam Muslim,Ang sinabi nito na:((lilitaw sa pagitan ng Sham at Iraq)):Ay Daan sa pagitan nila.Ang sabi nito na:((A`th)) na may letrang Ayn at Tha na may tatlong tuldok,at ang katiwalian :matinding Pinsala.At ang ((Zura`)) na may patinig na "U" sa letrang Zal; at ito ay ang napakataas na umbok at ito ay pang-maramihan ng "zurwah O zerwah" na pweding gamitan ng patinig na "U" o "E".At ang salitang " Wal-yu-a seeb";ay mga lalaking tutubi, at ang "dalawang putol"ay ;dalwang piraso.At ang((Layunin)) ito ang layunin na kung saan ay aasintahin ng mamamana;ay itatapon ito ng pagtapon na tulad ng pag-asinta ng mamana sa layunin nito.At ang ((Almahrodah)) sa letrang Dal; ito ay Damit na tinina,Ang sabi nito na:((walang dalawang kamay)) ay: walang lakas.At ang ((linta)):Ay Uod.At ang salitang((Farsa)) ay pangmaramihan ng salitang((Faris)) na ang kahulugan ay:Mga patay,At ang salitang ((Zalqah)) na may letrang Zay at Lam at Qaaf na ginagamitan ng patinig na"A",at naisalaysay sa salitang;((Zulfa));na may patinig na "U" sa letrang Zay,at walang patinig sa letrang Lam,at may letrang Fa` na ang kahulugan ay Salamin,At ang mga (( Mga kalalakihan)):Ay mga Grupo.At ang (( Arres`l)) na may patinig sa letrang Ra`a: Ay Gatas,At ang ((Allaqha)) ay ;mga Gatas.At ang ((Al-Fe-am)) na may patinig ang letrang Fa` at ang kasunod ay letrang "A": ay mga Grupo.At "At ang Hita" mula sa mga Tao;hindi kasali ang Tribo.