Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin

Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakarinig sa mu'adhdhin para sa ṣalāh, na mag-ulit-ulit siya matapos nito, kaya magsasabi siya ng tulad sa sabi nito, maliban sa dalawang "Ḥayya" sapagkat tunay na siya ay magsasabi, matapos ng dalawang ito, ng: "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)." Pagkatapos dadalangin siya para sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng basbas matapos kaagad ng pagwawakas ng adhān sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa kanya ng iisang basbas ay magbabasbas si Allāh sa kanya dahilan doon ng sampung basbas. Ang kahulugan ng basbas ni Allāh sa lingkod Niya ay ang pagpapapuri Niya sa lingkod sa piling ng mga anghel. Pagkatapos nag-utos ang Propeta na hilingin kay Allāh ang Kaparaanan para sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na isang katayuan sa Paraiso, na siyang pinakamataas doon. Hindi naaangkop at hindi nagiging madali ang katayuang iyon kundi para sa iisang lingkod mula sa lahat ng mga lingkod ni Allāh. Nagsabi siya: "Umaasa ako na ako ay maging siya mismo." Nagsabi lamang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon bilang pagpapakumbaba dahil kapag ang mataas na katayuang iyon ay hindi nagiging ukol kundi sa iisa, ang iisang iyon ay walang iba kundi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay ang pinakamainam na nilikha. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang dumalangin ng pagtamo ng Kaparaanan para sa kanya, matatamo para sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagtugon sa mu'adhdhin.

Ang kainaman ng pagdalangin ng basbas para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagsagot sa mu'adhdhin.

Ang paghimok sa paghiling ng Kaparaanan para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagdalangin ng basbas para sa kanya.

Ang paglilinaw sa kahulugan ng Kaparaanan at kataasan ng pumapatungkol dito yayamang hindi naaangkop ito kundi sa iisang lingkod.

Ang paglilinaw sa kalamangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang itinangi siya sa mataas na katayuang iyon.

Ang sinumang humiling kay Allāh ng Kaparaanan para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mauukol para sa kanya ang Pamamagitan.

Ang paglilinaw sa pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang humiling siya sa Kalipunan niya ng pagdalangin para sa kanya ng katayuang iyon, gayong ito naman ay magiging para sa kanya.

Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya sapagkat ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito.

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang mga Kainaman ng Dhikr, Ang Adhān at ang Iqāmah