Ang Adhān at ang Iqāmah

Ang Adhān at ang Iqāmah

13- Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarasal,Tunay na ititindig ang pagdarasal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarasal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah)) Sunan Abe Dawud