إعدادات العرض
Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Adhan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang…
Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Adhan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo
Ayon kay Abe Sulaymān bin Al-Huwayrith, malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang,Nanatili kami sa kanya sa loob ng dalawampung gabi,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya,Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: ((Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausaالشرح
Nagsabi si Malik-malugod si Allah sa kanya-"Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang",At ito ay sa taon ng Wufud,sa ika-siyam na taon ng Hijri,At sila ay mga binata,Nanatili sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng dalawampung gabi.Dumating sila sa layuning magkaroon ng kaalaman sa Relihiyon ni Allah,Nagsabi si Malik :",At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya," ibig sabihin ay nananabik kami sa kanila,"Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: "Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Dinagdagan ito ni Imam Al-Bukhari: " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko" Pinapatunayan nito na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kilala sa pagiging mahabagin at maawain,Siya ang pinakamabait sa mga tao sa lahat ng sangkatauhan,-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-mahabagin at maawain,At nang makita niya na sila ay nananabik sa kanilang pamilya,tinanong niya sila kung sino ang iniwan nila sa paglisan nila,at sinabi nila ito sa kanya,at ipinag-utos niya sa kanila na bumalik sa mga pamilya nila."at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Pagpapatunay nang pag-uuna sa nakakatanda sa Imam [Pamumuno sa pagdarasal], At ito ay hindi nagpapawalang bisa sa pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: " Mamumuno [sapagdarasal] mula sa lipon ng mga tao ang pinakamagaling sa kanila sa pagbabasa sa Aklat [Qur-an] ni Allah" Dahil lahat silang mga binata ay magkakasabay sa isang oras.At ang nahahayag ay hindi nagkakalayo ang bawat isa sa kanila sa [galing ng] pagbabasa sa Qur-an,at silang lahat ay magkakasing-galing.Hindi nakakalamang ang bawat isa sa iba,sa pagbabasa;kung kaya`t sinabi sa kanila na "Mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Sapagkat sila ay magkakapareho sa pagbabasa at gulang at sa paglikas,Kaya`t babalik sila,kung sino ang pinakamatanda sa gulang at pauunahin nila ito.At sa pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko"ito ay nagpapatibay sa mga bagay na may pagpapatnubay ng Propeta-mula sa pagtuturo sa sangkatauhan sa pamamagitan ng salita at sa gawa.Tinuruan niya ang mga nagdadasal nang walang katahimikan sa pagsabi niya: Nagsabi siya: "Kapag ikaw ay nag-alay na dasal,gawing ganap ang pagsasagawa ng Wudhu,pagkatapos ay humarap ka sa Qiblah,Magdakila [kay Allah],Pagkatapos ay basahin mo ang pinakamagaan para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka" Hanggang sa huli nito.Ngunit silang mga binata,itinuro niya sa kanila ang galaw.