إعدادات العرض
Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg
Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg
Ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagkabuhay."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Tiếng Việt Nederlands Kiswahili অসমীয়াالشرح
Ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg." Nagkaiba-iba ang mga nauna at ang mga nahuli sa pagpapakahulugan nito. Sinabi: Ito ay tunay na haba. Kapag lulunurin ng pawis ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay, hahaba ang mga leeg nila upang hindi sila ilubog ng pighati at pawis na iyon. Sinabi rin: Ang kahulugan nito ay ang pinakamadalas sa mga tao sa pag-aasam-asam sa awa ni Allah, pagkataas-taas Niya, dahil ang nag-aasam-asam ay humahaba ang leeg niya tungo sa inaabang-abangan niya. Kaya ang kahulugan nito ay ang dami ng nakikita nilang gantimpala. Sinasabi rin: Ang kahulugan nito ay na sila ay mga pinuno at mga pangulo at ang mga Arabe ay naglalarawan sa mga pinuno bilang may mahabang leeg. Sinasabi rin: Ang kahulugan niyo ay ang pinakamarami sa tagasunod. Sinasabi rin ang iba pa roon. Ang sabi niya: "sa Araw ng Pagkabuhay" ay nangangahulugang kapag binuhay ni Allah ang mga tao, tunay na ang mga mu'adhdhin ay may ikinatatanging wala sa iba sa kanila. Sila ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg at makikilala sila dahil doon bilang pagbubunyi sa kalamangan nila at bilang pagtatanghal sa dangal nila dahil sila ay nananawagan at naghahayag sa pamamagitan ng pagdakila kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng pagpapahayag sa kaisahan Niya, ng pagsaksi sa Sugo Niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagkasugo, ng pag-anyaya sa pagdarasal at sa tagumpay, na inihahayag nila sa mga lugar na mataas. Dahil dito, ang ganti sa kanila ay kauri ng ginawa: na tataas ang mga ulo nila at na tataas ang mga mukha nila. Iyan ay sa pamamagitan ng pagpapahaba sa mga leeg nila sa Araw ng Pagkabuhay. Kaya nararapat sa tao na magsigasig na maging isang mu`adhdhin kahit pa man hindi sa masjid. Nararapat na magkusa siya roon. Tingnan: Sharḥ Muslim 91/4 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 32/5.