'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}

'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}

Ayon kay Sālim bin Abī Al-Ja`d na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang sila ay pumintas niyon sa kanya, kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

May nagsabing isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang ang mga nasa paligid niya ay pumintas niyon sa kanya, kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: O Bilāl, manawagan ka ng adhān ng ṣalāh at magsagawa ka ng iqāmah nito upang mapahinga kami sa pamamagitan nito." Iyon ay dahil sa dulot nito na pakikipagniig kay Allāh (napakataas Siya) at kapahingahan para sa kaluluwa at puso.

فوائد الحديث

Ang kapahingahan ng puso ay sa pamamagitan ng ṣalāh dahil sa dulot nito na pakikipagniig kay Allāh (napakataas Siya).

Ang pagmamasama sa sinumang nagtatamad-tamaran sa pagsamba.

Ang sinumang gumanap ng tungkulin na kailangan sa kanya at nagpawalang-kinalaman sa pagpapanagot nito sa kanya, may mangyayari sa kanya dahil doon na isang kapahingahan at isang pagkaramdam ng kapanatagan.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh, Ang Adhān at ang Iqāmah