Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}

Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtugon sa mu'adhdhin sa sandali ng pagkarinig sa kanya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi ng tulad ng sinasabi niya pangungusap sa pangungusap. Kaya kapag nagsasabi siya ng takbīr, magsasabi tayo ng takbīr matapos niya; at kapag sumasambit siya ng Dalawang Pagsaksi, sasambit tayo ng dalawang ito matapos niya. Itinatangi ang pananalitang: "Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Hali na sa ṣalāh)" at "Ḥayya `ala –falāḥ (Hali na sa tagumpay)" sapagkat tunay na sinasabi matapos ng dalawang ito ang: "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)."

فوائد الحديث

Makikipagsunuran sa ikalawang mu'adhdhin matapos ng unang mu'adhdhin, kahit pa dumami ang mga mu'adhdhin, dahil sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth.

Sasagutin ang mu'adhdhin sa lahat ng mga lagay niya, kung hindi nasa isang palikuran o nasa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya.

التصنيفات

Ang Adhān at ang Iqāmah