Sinuman ang magsabi kapag narinig niya ang panawagan: "O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at [Panginoon] ng [takdang oras ng] ng pagdarasal na isasagawa,Pagkalooban Mo si Muhammad ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya [sa araw ng paghuhukom] a pinakamabuti at…

Sinuman ang magsabi kapag narinig niya ang panawagan: "O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at [Panginoon] ng [takdang oras ng] ng pagdarasal na isasagawa,Pagkalooban Mo si Muhammad ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya [sa araw ng paghuhukom] a pinakamabuti at pinakamataas na antas sa Paraiso na Iyong ipinangako sa kanya," Mapapasakanya ang aking Pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay.

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya.sa Hadith na Marfu: ((Sinuman ang magsabi kapag narinig niya ang panawagan: "O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at [Panginoon] ng [takdang oras ng] ng pagdarasal na isasagawa,Pagkalooban Mo si Muhammad ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya [sa araw ng paghuhukom] a pinakamabuti at pinakamataas na antas sa Paraiso na Iyong ipinangako sa kanya," Mapapasakanya ang aking Pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay.))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang kahulugan ng Hadith: Sinabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman ang magsabi kapag narinig niya ang panawagan:" ibig sabihin ay ;Sinuman ang magsabi ng salitang ito na naisalaysay mula sa panalangin,sa oras ng pagpahinga ng nagtatawag ng Azan at pagkatapos niya rito,batay sa nakasalaysay ni Imam Muslim mula sa Hadith ni `Abdullah bin `Amr bin AL-`As;Na narinig niya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: "Kapag narinig ninyo ang Nananawagan [ng Azan],Sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi niya,Pagkatapos ay magbigay kayo ng Pagbati sa akin [ ng Kapayapaan],Pagkatapos ay hilingin ninyo sa Allah [na pagkalooban Niya ako ng karapatang]Mamagitan", At dahil dito,Ang pananalangin ay gaganapin pagpakatapos ng pagpahinga mula sa pag-uulit [sa binibigkas ng nananawagan], pagkatapos ng panawagan ng Azan."Ganap na panawagan na ito" Ang pag-aazan" Tinawag itong panawagan,dahil sa napapaloob dito na panawagan sa mga tao sa pagdarasal,Ang Ganap:ibig sabihin;Ang Kompleto,Dahil sa nasasakupan nitong Doktrina na Pananampalataya sa Kaisahan ng Diyos,at Paniniwala sa Mensahe ni Propeta Muhammad,Ang Una nito ay Pagdadakila [kay Allah],At dito ay may dalawang pagsasaksi na kung saan,ito ang unang haligi mula sa haligi ng Islam,Pagkatapos dito ay may pananawagan sa Pagdarasal,Pagkatapos ay pagtatapos din niya sa Pagdadakila kay Allah."[Panginoon] ng [takdang oras ng] pagdarasal na isasagawa" At sa kanya ay may dalawang kahulugan:1,Kung saan ay Isasagawa,2,Kung saan ay hindi ito nababago ng Relihiyon at hindi napapalitan,Ito ay titindig at mananatili,Habang ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili." Ang Mamagitan" Anumang [gawaing] pagsamba rito, para sa iba,Ang Pamamagitan kay Allah-Pagkataas-taas Niya- ay ang paglapit ng alipin sa Kanya sa pamamagitan ng mga Mabubuting gawa,At ang nais ipahiwatig dito:Ang pinakamataas na antas sa Paraiso,Tulad ng naisalaysay sa hayag,sa Saheh ni Imam Muslim,mula sa Hadith ni `Abdullah bin `Amr bin Al-`As,malugod si Allah sa kanilang dalawa,At napapaloob dito:( Kapag narinig ninyo ang Nananawagan ng Azan,Sabihin ninyo-,Pagkatapos ay Pagkatapos ay hilingin ninyo sa Allah [na pagkalooban Niya ako ng karapatang]Mamagitan,Sapagkat ito ay [pinakamataas na] antas sa Paraiso,Hindi karapat-dapat maliban sa isang alipin mula sa alipin ni Allah,At Hinihiling ko na iyon ay maging Ako) " At Pagbubukod-tangi" Ito ay karagdagang antas sa natitirang likha,At ang kahulugan: Pagkalooban Mo ng higit na kainaman si Muhammad sa mga natitirang likha Mo."Iangat siya [sa araw ng paghuhukom] sa pinakamabuti at pinakamataas na antas sa Paraiso"Ibig sabihin: Sa Araw ng Pagkabuhay kapag binuhay muli ang mga tao mula sa mga libingan nila,ito ang pag-angat sa kanya sa pinakamabuti at pinakamataas sa Araw ng Pagkabuhay,At ang pag-angat sa kanya sa pinakamabuti at pinakamataas :Ito ay tumatalakay sa lahat ng bagay na may kabutihan mula sa ibat-ibang uri ng mga karangalan,At ang tinutukoy nito dito ay ang: Ang Dakilang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom,Kung saan ay Pupuriin dito ang Pinaka-una at Pinakahuli,at ito ay dahil sa ang mga likha sa Araw ng Pagkabuhay,kapag tumagal sa kanila ang Pagtitipon,at nahihirapan sila sa pagtindig,Tunay na sila ay darating kay Propeta Adam,Hihilingin nila sa kanya na mamagitan sa kanila sa Panginoon nila,upang mawala na sila sa anumang kalagayan nila,Hihingi siya ng Paumanhin,Pagkatapos ay daratig sila kay Propeta Nuh-Sumakanya ang pangangalaga-at Hihingi siya ng Paumanhin,at gayundin sina Propeta Ebrahim,Musa,at `Esah-sumakanila ang pinakamainam na Pagpapala at ganap na pangangalaga-Pagkatapos ay darating sila kay Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sasabihin niya:(Ako [gaganap] sa kanya) Magpapatirapa siya [dahil]sa kapahamakan nila sa pamamagitan ng mga Kabutihan nia,Pagkatapos ay sasabihin sa kanya:Itaas mo ang ulo mo,Humiling ka at pagbibigyan ka,At hihilingin niya maging Pamagitan,At makakaginhawa sila dahil sa Pamagitan ng Propeta natin-Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"na Iyong ipinangako sa kanya" Ibig sabihin ay:ipinangako niya sa kanya Ang Dakilang pamamagitan,sa oras na paghihiwalayin ni Allah ang mga likha,Nagsabi Siya-Pagkataas-taas Niya:(At [gayundin],sa ilang bahagi ng gabi,ay mag-alay ng dasal,Maaaring ang Iyong Panginoon ay magtaas sa Iyo sa Ipinagkakapuring lugar [Ang pinakamataas na antas sa Paraiso].[Al-Isra;79]At [ang salitang] Maaaring: kapag dumating sa Qur-an ito ay obligado." Mapapasakanya ang aking Pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay." Ibig sabihin ay:Napagpanatili at magiging obligado sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nararapat sa kanya ito,dahil sa pananalangin niyang ito,At inabutan niya ito sa Araw ng Pagkabuhay,Mamamagitan sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagpasok niya sa Paraiso na hindi dadaan sa Paghuhukom,o sa pagtaas niya ng mga antas sa Paraiso,o Pagkaligtas sa Impiyerno." Sa Araw ng Pagkabuhay" at tinawag ito nito:dahil sa mga isinasagawa rito mula sa mga pangyayari ng mga buto,kung saan ay napapaloob rito ang pagbangon ng mga likha mula sa mga libingan nila,at pagbangon ng mga nagsasaksi mula sa mga alipin,at pagbangon ng mga tao sakanilang kinatatayuan,at iba rito

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang Adhān at ang Iqāmah