Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran

Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran

Ayon kay `Uthman bin Abe Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Italaga mo akong imam sa aking mga tao, Nagsabi siyang: (( Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ipinapahayag sa atin ng hadith na ito na ipinapahintulot sa sinumang nakikita niya sa sarili na karapat-dapat maging imam,na hilingin niya ito sa namumuno,at ito ay hindi paghiling sa katungkulan,dahil ang paghiling sa katungkulan ay ipinagbabawal, subalit nararapat sa kanya ang pangangalaga sa mga sumusunod sa likod niya na mahihina at matatanda.,at hindi siya magpapahirap sa kanila,At kainam-inam sa magiging tagatawag ng adhan yaong naghahangad ng gantimpala sa Allah,upang ang gawain niya ay maging malapit sa pagkadalisay [para sa Allah],At kapag walang natagpuang magkakawang-gawa,hindi hadlang na mabigyan ang imam ng biyaya [kabayaran] mula sa Baytul Mal

التصنيفات

Ang Adhān at ang Iqāmah