إعدادات العرض
Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya
Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Hausa دری Кыргызча or Kinyarwanda नेपाली Malagasy Română Lietuvių Oromoo Српски Nederlands Soomaali Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyarالشرح
Ang mga Kasamahan ay minsang kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi saka tumingin siya sa buwan ng gabi ng ikalabing-apat saka nagsabi siya: Tunay na ang mga mananampalataya ay makakikita sa Panginoon nila nang totohanan sa pamamagitan ng mata nang walang paghihinala, at na sila ay hindi magsisiksikan at hindi sila dadapuan ng pagkapagod ni ng hirap sa sandali ng pagkakita sa Kanya (napakataas Siya). Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kaya kung makakaya ninyo na makaputol ng mga kadahilanan na nagpapabaling sa inyo palayo sa ṣalāh sa madaling-araw at ṣalāh sa hapon, gawin ninyo. Magsagawa kayo ng dalawang ito nang lubos sa oras ng dalawang ito sa isang konggregasyon sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtingin sa mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos binigkas niya ang āyah (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}فوائد الحديث
Ang kagalakan para sa mga may pananampalataya sa pagkakita kay Allāh (napakataas Siya) sa Paraiso.
Kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya ang pagbibigay-diin, ang pagpapaibig, at ang paglalahad ng mga paghahalintulad.
التصنيفات
Ang Buhay sa Kabilang-buhay