Kapag nailagay [sa langkayan] ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: 'Magsulong kayo sa akin.'

Kapag nailagay [sa langkayan] ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: 'Magsulong kayo sa akin.'

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nailagay [sa langkayan] ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: 'Magsulong kayo sa akin.' Kung ito naman ay naging hindi maayos, magsasabi ito: 'Kapighatian dito! Saan sila magdadala nito?' Nakaririnig ng tinig nito ang bawat bagay maliban sa tao; at kung sakaling nakarinig siya nito, hinimatay sana siya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nailagay sa langkayan ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: "Magsulong kayo sa akin." Ito ay dahil sa kinikinita nito sa harapan nito na kaginhawahan. Kung ito naman ay naging hindi maayos, sisigaw ito sa isang tinig na nakasasama: "O kapahamakan nito! Saan sila magdadala nito?" Ito ay dahil sa kinikinita nito sa harapan nito na pagdurusa. Nakaririnig ng tinig nito ang bawat bagay maliban sa tao; at kung sakaling nakarinig siya nito, talagang nawala sana sa kanya ang ulirat dahil sa tindi ng naririnig niya.

فوائد الحديث

Ang maayos na patay ay makakikita ng mga tagapagpagalak bago ng paglibing sa kanya samantalang masusuya naman ang tagatangging sumampalataya at makakikita ng kabaliktaran niyon.

Ang ilan sa mga tunog ay naririnig ng hindi tao at hindi nakakaya ng tao na makarinig ng mga ito.

Ang sunnah ay ang pagpasan ng ililibing sa mga balikat ng mga lalaki hindi ng mga babae batay sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga babae laban sa pagdalo sa libing.

التصنيفات

Ang Buhay Pang-Barzakh