Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}

Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}

[Tumpak]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nag-antabay sa isang nagkakautang o bumawas para rito ng pagkakautang nito, ang gantimpala sa kanya ay na si Allāh ay maglililim sa kanya sa ilalim ng trono Nito sa Araw ng Pagbangon, na lalapit doon ang araw mula sa mga ulo ng mga tao at titindi sa kanila ang init niyon. Kaya hindi makatatagpo ang isa ng isang lilim kundi ang sinumang nililiman ni Allāh.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagpapadali para sa mga lingkod ni Allāh at na ito ay kabilang sa mga kadahilanang magliligtas mula sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon.

Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay