Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin

Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin. Sasabihin: "Nasaang ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Kaya tayo ang mga kahuli-hulihan at ang mga kauna-unahan.}

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (s) na ang Kalipunan niya ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan sa pag-iral at sa panahon at ang kauna-unahan sa mga kalipunan na tutuusin sa Araw ng Pagbangon. Sasabihin sa Araw ng Pagbangon: "Nasaan ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Ito ay bilang pag-uugnay sa pagkailiterato ng Propeta (s) dahil sa hindi pagkaalam ng pagbasa at pagsulat. Tatawagin sila para sa pagtutuos, una sa lahat, sapagkat tayo ang mga kahuli-hulihan sa panahon at pag-iral at ang mga kauna-unahan sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon sa sa pagpasok sa Paraiso.

فوائد الحديث

Ang kahigitan ng Kalipunang ito ng Islam higit sa mga naunang kalipunan.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay