Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}

Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) sa Araw ng Pagbangon ay dadaklot sa lupa at magtitipon nito, magtutupi ng langit sa kanang kamay Niya, magbabalot ng isang bahagi nito sa ibabaw ng isang bahagi, mag-aalis nito, at pupuksa rito. Pagkatapos magsasabi Siya: "Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}

فوائد الحديث

Ang pagpapaalaala na ang paghahari ni Allāh ay ang mananatili samantalang ang paghahari ng iba pa sa Kanya ay maglalaho.

Ang kapitaganan ni Allāh, ang kadakilaan Niya, ang kakayahan niya, ang kapangyarihan Niya, at ang kalubusan ng paghahari Niya.

التصنيفات

Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian