Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan

Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan

3- {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: @"Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan.* Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}

12- {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): @"O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan.* O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}

23- {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: @"Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno."* Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}

28- {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: @"Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman."* Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}

50- Ang Sugi ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagtalaga ng Pinuno sa mga hukbo o piraso sa mga hukbo,pinapayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah,at ang sa mga kasamahan nito na mga Muslim,sa kabutihan.Nagsabi siya:(( Makipag-darambong kayo sa Pangalan ni Allah, sa daan ni Allah,makipaglaban kayo sa sinumang walang-pananampalataya kay Allah,makipaglaban kayo at huwag kayong manguha ng darambong,at huwag kayong lumabag sa napagkasunduan,at huwag kayong pumatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at huwag kayong pumatay ng bata,at kapag nakaharap mo ang kalaban mo mula sa mga pagano,anyayahan mo sila sa tatlong katangin-o sa pamamagitan -At kahit na ano ang isinagot nila sa iyo,tanggapin mo ito mula sa kanila,at pigilan ang iyong kamay sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islam,at kapag sinagot ka nila ay tanggapin mo ito mula sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa paglipat mula sa mga tahanan nila papunta sa mga tahanan ng mga Nagsilikas(Madinah),At ibalita mo sa kanila,na kapag ginawa nila iyon,mapapa-sa kanila ang anumang para sa mga manlilikas(Muhajireen) at hindi mapapa-sa kanila ang hindi para sa mga manlilikas(Muhajireen),at kapag tumanggi sila na lumipat dito,ibalita mo sa kanila na sila ay magiging katulad ng mga Arabong Muslim,maipapatupad sa kanila ang Panuntunan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at walang maibibigay sa kanila sa nadambong at sa Al-Fay(kayamanan na nakuha sa mga Kuffar na hindi nakuha sa pakikipaglaban) kahit konti.maliban kung makikipaglaban sila(sa daan ni Allah)kasama ang mga Muslim.At kapag sila ay tumanggi,singilin mo sa kanila ang Buwis,at kapag ito ay tinanggap nila sa iyo,tanggapin mo ito sa kanila,at pigilan mo ang iyong kamay sa kanila,at kapag sila ay tumanggi,humingi ka nang tulong kay Allah at makipaglaban ka sa kanila.At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,at ninais nila na ilagay mo sila sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng Propeta Niya,huwag mo silang ilagay sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ilagay mo sila sa Kasunduan mo at sa Kasunduan ng mga kasamahan mo,sapagkat ang paglabag sa Kasunduan ninyo at sa Kasunduan ng mga kasamahan ninyo ay mas magaan mula sa paglabag ninyo sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta ,At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,At ninais nila na ipataw mo sa kanila ang Panuntunan ni Allah,huwag mo itong ipataw sa kanila,ngunit ipataw mo sila sa panuntunan mo,sapagkat hindi mo napag-alaman,kung napag-wasto ba nila ang Panuntunan ni Allah o hindi.

83- {Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. @Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}