Si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi ­llāh (Sa ngalan ni Allah).

Si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi ­llāh (Sa ngalan ni Allah).

Ayon kay `Alīy bin Rabī`ah na nagsabi: Nasaksihan ko si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi ­llāh (Sa ngalan ni Allah). Noong nakaluklok na siya sa likod nito, sinabi niya: Alḥamdu lillāhi -­lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa mā kunnā lahū muqrinīn, wa innā ilā rabbinā lamunqalibūn (Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na tayo sa Panginoon natin ay talagang magbabalikan.). Pagkatapos ay nagsabi siya ng tatlong Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah). Pagkatapos ay nagsabi siya ng tatlong Allāhu akbar (Si Allah ay pinakadakila). Pagkatapos ay nagsabi siya: Subḥānaka innī đalamtu nafsī fa-ghfir lī fa’innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā ant (Napakamaluwalhati Mo tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.). Pagkatapos ay tumawa siya kaya may nagsabi: "O Pinuno ng mga Mananampalataya, dahil sa ano ka tumawa?" Nagsabi siya: "Nakita ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na gumawa ng gaya sa ginawa ko. Pagkatapos ay tumawa siya kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, dahil sa ano ka tumawa? Nagsabi siya: Tunay na ang Panginoon mo, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa sa lingkod Niya kapag nagsabi ito: 'Patawarin Mo ako sa mga pagkakasala ko,' habang nalalaman nito na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ayon kay `Alīy bin Rabī`ah, isa sa mga nangunguna sa mga tagasunod ng mga kasamahan ng Propeta, na nagsabing nasaksihan nito o naroon ito kay `Alīy bin Abī Ṭālib nang dinalhan siya ng isang hayop upang sakyan niya. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo ay nagsabi siya: Sa ngalan ni Allah (sasakay ako). Noong nakaluklok na siya sa likod nito, sinabi niya: Ang papuri ay ukol kay Allah...Ibig sabihin dahil sa dakilang biyayang ito. Ito ay pagpapaamo sa hayop na mailap at pagpapasunod dito para sa atin sa pagsakay rito upang mapangalagaan tayo laban sa kasamaan nito gaya ng tahasang ipinahayag ng sabi ni Allah: "nagpasunud-sunuran para sa atin nito," na nangangahulugang nagpapaamo para sa atin. Ang sinasakyang hayop na ito ay hindi sana natin makakayang pasunod-sunurin. "Tunay na tayo sa Panginoon natin ay talagang magbabalikan." Pagkatapos ay nagsabi siya, matapos ang papuri niyang nililimitahan ng pagpupuri sa ibiniyaya sa kanya, ng "Ang papuri ay ukol kay Allah" nang tatlong ulit bilang papuring hindi nililimitahan ng anuman. Sa pag-uulit ay may pagpapadama ng kadakilaan ng pagpipitagan kay Allah, napakamaluwalhati Niya. Ang tao ay hindi nag-alang-alang kay Allah nang totoong pag-alang-alang sa Kanya. Siya ay naaatasang magpumilit sa pagtalima sa Kanya sa abot ng makakaya. Nagsabi siya ng "Si Allah ay pinakadakila" nang tatlong ulit. Ang pag-uulit ay pagbibigay-diin doon. Pagkatapos ay nagsabi siya ng "Napakamaluwalhati Mo," na nangangahulugang "Pinakababanal Kita nang pagbabanal na walang takda." Ang "tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko" ay nangangahulugang "dahil sa hindi pagtupad sa karapatan Mo ng mga saksi sa pagkukulang sa pagpapasalamat sa dakilang biyayang ito, kahit pa man dahil sa pagkalingat sa kahalagahan nito o sa pagsasaalang-alang nito." Ang "kaya magpatawad Ka sa akin" ay nangangahulugang "pagtakpan Mo ang mga pagkakasala ko sa pagmamagitan ng hindi pagsisi sa akin sa pamamagitan ng pagpaparusa dahil sa mga ito. Ang "tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw" ay nagsasaad ng pagpapahiwatig sa pag-amin sa kakulangan sa pagpapasalamat sa pagpapala ni Allah at sa pagpaparami sa pagkukulang. "Pagkatapos ay tumawa siya kaya may nagsabi." Ang tinutukoy rito ay si Ibnu Rabī`ah. "Kaya nagsabi ako: O Pinuno ng mga Mananampalataya, dahil sa ano ka tumawa?" Ito ay dahil hindi lumitaw ang pinagmula ng ikinatuwa niya na mula roon ay namutawi ang pagtawa. Inusisa nito siya hinggil sa dahilan niyon. Inuna nito ang pagtawag sa kanya kaysa sa pagtatanong sa kanya yamang ito ang kaasalan sa pakikipag-usap. "Nagsabi siya: Nakita ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na gumawa ng gaya sa ginawa ko." Tinutukoy rito ang pagsakay at ang sinasambit na panalangin. "Pagkatapos ay tumawa siya kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, dahil sa ano ka tumawa? Nagsabi siya: Tunay na ang Panginoon mo, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa..." Noong naalaala iyon ni `Alīy, malugod si Allah sa kanya, inobliga niya ang karagdagang pagpapasalamat kaya nagalak siya at tumawa. Ang tawa niya ay hindi paggaya lamang sapagkat ito ay hindi kusang-loob, kahit pa man maaaring pinipilit niya noon ang pagtawa. Ang pararilang "lingkod Niya" ay pag-uugnay [ng lingkod kay Allah] bilang pagpaparangal. Ang "kapag nagsabi ito: 'Patawarin Mo ako sa mga pagkakasala ko,' habang nalalaman nito" ay nangangahulugang sinabi niya iyon habang nalalaman niya, hindi habang nalilingat, na "walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya."

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Dhikr Para sa mga Pangyayaring Hindi Inaasahan