Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian

4- {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): @"O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan.* O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}

50- "Kapag inibig ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang tao, tinatawag Niya si Jibrīl [upang magsabi]: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl at mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa." Sa isang sanaysay ni Muslim: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa langit at magsasabi: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa. Kapag nasuklam Siya sa isang tao ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman mo ito. Kaya kasusuklaman ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allāh ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman ninyo ito. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagkasuklam sa lupa."