Ang pananampalataya ay sa Yemen,at Ang karunungan ay sa Yemen,At natagpuan ko ang kaluwagan ng Mahabaging (Allah)sa Yemen,Hindi ba't tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng mga Tupa at Lana

Ang pananampalataya ay sa Yemen,at Ang karunungan ay sa Yemen,At natagpuan ko ang kaluwagan ng Mahabaging (Allah)sa Yemen,Hindi ba't tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng mga Tupa at Lana

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfû-((Ang pananampalataya ay sa Yemen,at Ang karunungan ay sa Yemen,At natagpuan ko ang kaluwagan ng Mahabaging (Allah)sa Yemen,Hindi ba't tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng mga Tupa at Lana ))

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang sinabi nito:(( Ang Pananampalataya ay sa Yemen,at Ang Karunungan ay sa Yemen)) Nagkakaiba ang (mga eskolar) sa nais ipahiwatig nito;Sinasabi na: Ang kahulugan nito ay pag-uugnay ng pananampalataya sa Meccah,sapagkat ang panimula ng Yemen ay mula dito at Ang Meccah ay Yemen para sa Madinah.At sinasabi na ang nais ipahiwatig nito ay pag-ugnay ng pananampalataya sa Meccah at Madinah at Ang dalawang lugar na ito dalawang Yemen para sa Shām.Batay sa ang salitang ito ay nailabas mula sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Na siya sa panahong yaon ay nasa Tabuk.At sinasabi: Na ang nais ipahiwatig dito ay ang mga Ansār sapagkat ang pinagmulan nila ay sa Yemen,at naiugnay ang pananampalataya sa kanila sapagkat sila ang nagpasimula sa pagtulong kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at walang nakikitang dahilan sa pagpigil sa mga salitang ito,At ang nais ipahiwatig nito ay, Ang kalabisan sa Pagpapa-inam sa mga taong Yemen,sa iba sa kanila sa mga tao, sa dakong Silangan,At ang dahilan nito,ay ang pagtanggap o pagyakap nila sa Islam nang walang malaking paghihirap sa mga Muslim,Hindi katulad ng mga Tao sa dakong Silangan at iba pa sa kanila,At sinuman ang magtangi ng isang bagay at pinatatag niya ang paninindigan rito ay maiuugnay ito sa kanya bilang palatandaan sa pagiging ganap sa kalagayan niyang ito rito.At hindi ibig ipahiwatig rito ang kawalan ng pananampalataya ng iba bukod sa kanila,Pagkatapos ang nais ipahiwatig rito ay ang mga (taong) naroroon sa panahong yaon,at hindi ang lahat ng tao sa (Yemen) sa lahat ng panahon;Sapagkat ang pananalita ay hindi humahatol rito.At ang ipinapahiwatig sa Karunungan ay Ang Kaalaman na sumasaklaw sa pagkilala kay Allah. At Ang sinabi nito;(( Natatagpuan ko ang kaluwagan nang Mahabaging (Allah) sa dakong Yemen))Ang kahulugan nito; Nang ako ay nasa paghihirap at pagdadalamhati at kalungkutan mula sa mga tao sa Meccah,Pinagaan ito sa akin ni Allah dahil sa (tulong ng) mga Ansār.ibig sabihin; Tunay na natagpuan niya ang kaginhawaan dahil sa mga Ansār,at sila ay nagmula sa Yemen,at dahil rito,hindi ito Hadith mula sa mga Hadith ng Katangian.Ang sinabi nito:(( Tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng Tupa at Lana)) ibig sabihin ay; Tunay na ang kawalan ng pananampalataya at Ang kasalanan at pagkamanhid ng puso at pagtigas nito ay sa mga nagmamay-ari ng maraming Tupa at kayamanan,na silang nagtataas ng boses nila sa kanilang mga aning-pananim at bakahan,at sila ang mga Taong walang-kasiyahan at mapag-mataas.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian