Kapag nanatili sa pagdalo ang isang Muslim sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-aalaala, natutuwa si Allāh sa kanya gaya ng pagkatuwa ng mag-anak ng nawawala sa nawawala nila kapag dumating sa kanila.

Kapag nanatili sa pagdalo ang isang Muslim sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-aalaala, natutuwa si Allāh sa kanya gaya ng pagkatuwa ng mag-anak ng nawawala sa nawawala nila kapag dumating sa kanila.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nanatili sa pagdalo ang isang Muslim sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-aalaala, natutuwa si Allāh sa kanya gaya ng pagkatuwa ng mag-anak ng nawawala sa nawawala nila kapag dumating sa kanila."

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang Muslim na nagpapanatili sa pagdalo sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-alaala [kay Allāh] sa mga iyon at namamalagi sa gayon, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay natutuwa sa kanya at nagagalak sa kanya gaya ng pagkagalak ng mag-anak ng nawawala sa pagdating ng nawawala nila. Hindi ipinahihintulot na bigyang-pakahulugan ang katangian ng pagkatuwa bilang habag o awa o iba pa rito, bagkus kinakailangan ang pagpapatibay nito bilang isang katangian ukol kay Allāh nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad. Ito ay kalakip ng kaalamang ang mga nakakapit sa pagkatuwa ay ang habag at ang awa. Si Allāh ay higit na nakaaalam.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian