إعدادات العرض
Nagpasinungaling sa Akin ang anak ni Adan samantalang hindi ukol sa kanya iyon. Nanlait siya sa Akin samantalang hindi ukol sa kanya iyon
Nagpasinungaling sa Akin ang anak ni Adan samantalang hindi ukol sa kanya iyon. Nanlait siya sa Akin samantalang hindi ukol sa kanya iyon
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Nagsabi si Allāh: "Nagpasinungaling sa Akin ang anak ni Adan samantalang hindi ukol sa kanya iyon. Nanlait siya sa Akin samantalang hindi ukol sa kanya iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling niya sa Akin, ang sabi niya: 'Hindi Siya magpapanumbalik sa akin kung paanong nagpasimula Siya sa akin.' Ang unang paglikha ay hindi higit na magaan sa Akin kaysa sa pagpapanumbalik sa kanya. Hinggil naman sa panlalait niya sa Akin, ang sabi niya: 'Nagkaroon si Allāh ng anak.' Ako ay ang Kaisa-isa, ang Dulugan. Hindi Ako nagkaanak at hindi Ako ipinanganak. Hindi nagkaroon sa Akin ng isang kapantay na isa man."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Čeština नेपाली Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Magyar ქართული Moore Українська Македонски Azərbaycan Shqip Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpabatid tungkol sa mga tagapagtambal at mga tagatangging sumampalataya na sila ay nagpapasinungaling sa Kanya at naglalarawan sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan samantalang hindi naging nararapat sa kanila iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling nila kay Allāh, ang pag-aangkin nila na si Allāh ay hindi magpapanumbalik sa kanila matapos ng kamatayan nila sa mula gaya ng pagkalikha sa kanila sa unang pagkakataon mula sa wala. Tumugon Siya sa kanila na ang nagpasimula sa paglikha mula sa kawalan ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa kanila, bagkus higit na madali, bagamat ang usapin kaugnay kay Allāh ay magkapantay ang paglikha at ang pagpapanumbalik sapagkat si Allāh sa bawat bagay ay may-kakayahan. Hinggil naman sa panlalait nila, ang sabi nila na tunay na Siya ay may anak. Tumugon Siya sa kanila na Siya ay ang Kaisa-isang namumukod-tangi sa lahat ng mga kalubusan sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya at mga gawain Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kakulangan at kapintasan, ang Dulugan na hindi nangangailangan ng isa man samantalang nangangailangan sa Kanya ang bawat isa. Hindi Siya naging ama sa isa man at hindi Siya naging anak sa isa man. Hindi Siya nagkaroon ng kapantay na katulad o katapat (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).فوائد الحديث
Ang pagpapatibay sa kalubusan ng kakayahan kay Allāh (napakataas Siya).
Ang pagpapatibay sa pagbubuhay matapos ng kamatayan.
Ang kawalang-pananampalataya ng sinumang nagkaila sa pagbubuhay o nag-ugnay ng anak kay Allāh (napakataas Siya).
Si Allāh ay hindi nagkaroon ng katulad ni katapat.
Ang lawak ng pagtitimpi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at ang pagpalugit Niya sa mga tagatangging sumampalataya nang sa gayon sila ay magbalik-loob at manumbalik.