Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa at ang trono ay hindi natataya ng isa man ang sukat niyon.

Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa at ang trono ay hindi natataya ng isa man ang sukat niyon.

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa at ang trono ay hindi natataya ng isa man ang sukat niyon."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah sa At-Tawhid - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām Aḥmad sa Sunnah]

الشرح

"Ang luklukan ay lagayan ng dalawang paa..." Nangangahulugan itong: Ang luklukang iniugnay ni Allāh sa sarili Niya ay ang "lagayan ng dalawang paa Niya," pagkataas-taas Niya. Ang kahulugang binanggit ni Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, kaugnay sa "luklukan" ay ang tanyag sa mga Alagad ng Sunnah. Ito ay ang napangalagaang kaalaman. Ang naisaysay na ang "luklukan" ay ang kaalaman ay hindi napangalagaang kaalaman. Gayon din ang naisaysay buhat kay Al-Ḥasan na ang "luklukan" ay ang "trono" ay mahinang walang natumpak na sanaysay hinggil doon. "Ang trono ay walang isang nakatataya sa sukat nito." Nangangahulugan itong ang trono na niluklukan si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay dakilang nilikha. Tungkol naman sa sukat nito, laki nito, at luwang nito, walang nakaaalam sa mga ito maliban kay Allāh, pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian