إعدادات العرض
Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi
Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi. Magsasabi Siya: Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya? Sino ang humihingi sa Akin para magbigay ako sa Kanya? Sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย Русский 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Hausa دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Deutsch Moore Українська Български Wolof Azərbaycan ქართული тоҷикӣالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay bumababa sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlong bahagi ng gabi. Nagpapaibig Siya sa mga lingkod Niya na dumalangin sila sa Kanya sapagkat Siya ay tumutugon sa sinumang dumalangin sa Kanya. Humihimok Siya sa kanila na humingi sila sa Kanya ng ninanais nila sapagkat Siya ay nagbibigay sa sinumang humingi sa Kanya. Nagmungkahi Siya sa kanila na humingi sila ng tawad sa Kanya sa mga pagkakasala nila sapagkat Siya ay nagpapatawad sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya.فوائد الحديث
Ang kainaman ng huling ikatlo ng gabi at ang pagsasagawa ng ṣalāh, ang pagdalangin, at ang paghingi ng tawad dito.
Nararapat sa tao sa sandali ng pagkarinig ng ḥadīth na ito na siya ay maging matindi ang sigasig sa pagsamantala ng mga oras ng pagsagot sa panalangin.