إعدادات العرض
Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag lumapit sa Akin ang lingkod Ko nang isang dangkal, lalapit Ako sa kanya nang isang siko. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang siko, lalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang dipa, lalapit Ako sa kanya nang pinakamabilis."

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag lumapit sa Akin ang lingkod Ko nang isang dangkal, lalapit Ako sa kanya nang isang siko. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang siko, lalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang dipa, lalapit Ako sa kanya nang pinakamabilis."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Русскийالشرح
Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon sa sukat na isang dangkal, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya sa sukat na isang siko. Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon nang higit doon, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya nang higit sa pagpapakalapit niya sa Panginoon. Kapag pumunta ang tao sa Panginoon niya, pupunta sa kanya ang Panginoon nang higit na mabilis kaysa sa kanya. Ang paglapit at ang pagpunta ay dalawang katangiang napagtibay na taglay ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Naniniwala tayo sa dalawang ito nang walang pagpapaliwanag ng kahulugan, ni pagtutulad sa kahulugan, at nang walang paglilihis ng kahulugan, at ni pagpapaliwanag sa kahulugan.