Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila.

Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila.

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang sabi niya: "Walang isa o walang anumang higit na matiisin" ay nangangahulugang: Si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay higit na matindi sa pagtitiis kaysa sa sinuman. Kabilang sa mga pangalan Niyang napakagaganda ay Aṣ-Ṣabūr (Ang Matiisin). Ang kahulugan nito ay ang hindi nagmamadali sa pagpaparusa sa mga sumusuway. Ito ay malapit sa kahulugan ng Al-Ḥalīm (Ang Matimpiin). Ang Al-Ḥalīm ay higit na masidhi sa pag-iwas sa pagpaparusa. Sinabi niya: "sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh..." Ang nakasasakit (adhā) sa literal na kahulugan ay ang anumang gumaan ang kalagayan at humina ang bakas ng kasamaan at kinasusuklaman. Ipinabatid nga Niya, napakamaluwalhati Niya, na ang mga tao ay hindi nakapipinsala sa Kanya gaya ng sinabi Niya (Qur'ān 3:176): "Huwag mong ikalungkot ang mga nakikipag-unahan sa pagtangging sumampalataya. Tunay na sila ay hindi makapipinsala kay Allāh ng anuman." Nagsabi naman Siya sa Ḥadīth Qudsīy: "O mga alipin Ko, tunay na kayo ay hindi aabot sa pamiminsala sa Akin para pinsalain ninyo Ako at hindi aabot sa pagpapakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako." Nilinaw Niya na ang nilikha ay hindi nakapipinsala sa Kanya ngunit nakasasakit sa Kanya. Ang sabi niya: "Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak" ay nangangahulugang: Ang anak ni Adan ay nakasasakit kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at nanlalait sa Kanya, karagdagan sa anumang minamataas nito at pinakababanal nito tulad ng pag-uugnay ng anak sa Kanya, pagkataas-taas Niya, ng kapara, at katambal sa pagsambang kinakailangan nakalaan para sa Kanya lamang. Ang sabi niya: "ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila" ay nangangahulugang: Siya, pagkataas-taas Niya, ay nagtutumbas sa pagmaltrato nila ng pagmamagandang-loob. Sila ay nagmamaltrato sa Kanya, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pamimintas, panlalait, pag-aangkin ng minamataas at pinakababanal, pagpapasinungaling sa mga sugo Niya, pagsalungat sa utos Niya, at paggawa ng ipinagbawal Niyang gawin nila habang Siya naman ay nagmamagandang-loob sa kanila ng kalusugan ng mga katawan nila, pagpapagaling sa kanila mula sa mga karamdaman nila, pangangalaga sa kanila sa gabi at maghapon sa anumang dumarating sa kanila, at tumutustos sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakinabang sa anumang nasa mga langit at lupa para sa kanila. Ito ay ang kasukdulan ng pagtitiis, pagtitimpi, at pagmamagandang-loob. Si Allāh ay higit na nakaaalam.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian