{Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya

{Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagsabi: {Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya habang nasusuklam siya sa kamatayan samantalang Ako naman ay nasusuklam sa pagpapasakit sa kanya.}"}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsabi: Ang sinumang namerhuwisyo sa isang katangkilik kabilang sa mga katangkilik Ko, gumalit siya rito, at namuhi siya rito, magpapaalam nga Ako sa kanya at magpapahayag nga Ako sa kanya ng away. Ang katangkilik ay ang mananampalatayang mapangilag magkasala. Ayon sa sukat ng taglay ng tao na pananampalataya at pangingilag magkasala ang bahagi niya mula sa pagtangkilik ni Allāh. Hindi nagpakalapit-loob ang Muslim sa Panginoon nito sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Kanya kaysa sa isinatungkulin Niya rito at inobliga Niya rito na paggawa ng mga pagtalima at pagwaksi sa mga ipinagbabawal. Hindi tumitigil ang Muslim na nagpapakalapit-loob sa Panginoon nito sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba kasama ng mga tungkuling pagsamba hanggang sa magtamo ito ng pag-ibig ni Allāh. Kapag umibig dito si Allāh, si Allāh ay magiging tagapagtama rito sa apat na bahaging ito ng katawan: Magtatama si Allāh dito sa pandinig nito kaya hindi ito didinig kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh dito sa paningin nito kaya hindi ito titingin kundi sa iniibig Niya ang pagtingin doon at kinalulugdan Niya. Magtatama si Allāh dito sa kamay nito kaya hindi ito gagawa sa pamamagitan ng kamay nito kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh sa paa nito kaya hindi ito maglalakad kundi tungo sa nagpapalugod sa Kanya at hindi ito magpupunyagi kundi sa anumang naroon ang kabutihan. Sa kabila nito, kung humiling siya kay Allāh ng isang bagay, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanya ng hiniling niya kaya siya ay magiging tinutugon ang panalangin. Talagang kung humiling siya kay Allāh ng pagkupkop at dumulog siya kay Allāh dala ng paghahanap ng pagsasanggalang, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay magkukupkop sa kanya at magsasanggalang sa kanya laban sa pinangangambahan niya. Pagkatapos nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa pagbawi sa kaluluwa ng mananampalataya bilang awa sa kanya dahil siya ay nasusuklam sa kamatayan dahil sa taglay nito na hapdi.} Si Allāh ay nasusuklam sa nagpapasakit sa mananampalataya.

فوائد الحديث

Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinasalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya at tinatawag na banal o pandiyos na ḥadīth. Ito ay ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man wala rito ang mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod ng Qur'ān sa iba gaya ng pagpapakamananamba sa pagbigkas nito, pagsasagawa ng ṭahārah para rito, paghahamon [na gayahin], pagkamahimala, at iba pa rito.

Ang pagsaway laban sa pamemerhuwisyo sa mga katangkilik ni Allāh, ang pagpapaibig sa pag-ibig sa kanila, at ang pagkilala sa kalamangan nila.

Ang utos ng pakikipag-away sa mga kaaway ni Allāh at ang pagbabawal sa pakikipagtangkilik sa kanila.

Ang sinumang nag-angkin ng pagtangkilik ni Allāh nang walang pagsunod sa Batas Niya, ito ay sinungaling sa pag-aangkin nito.

Natatamo ang pagtangkilik ni Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa mga kinakailangan at pagwaksi sa mga ipinagbabawal.

Kabilang sa mga kadahilanan ng pag-ibig ni Allāh sa tao at pagtugon sa panalangin nito ang paggawa ng mga kusang-loob na pagsamba matapos ng pagsasagawa ng mga kinakailangan at pagwaksi sa mga ipinagbabawal.

Ang katunayan sa dangal ng mga katangkilik ni Allāh at kaangatan ng katayuan nila.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian