May isang Hudyong pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Muḥammad, tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit sa isang daliri, sa mga lupa sa isang daliri, sa mga bundok sa isang daliri, sa mga punong-kahoy sa isang daliri, sa mga nilikha sa isang daliri.…

May isang Hudyong pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Muḥammad, tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit sa isang daliri, sa mga lupa sa isang daliri, sa mga bundok sa isang daliri, sa mga punong-kahoy sa isang daliri, sa mga nilikha sa isang daliri. Pagkatapos ay nagsasabi Siya: Ako ang Hari.

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: May isang Hudyong pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Muḥammad, tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit sa isang daliri, sa mga lupa sa isang daliri, sa mga bundok sa isang daliri, sa mga punong-kahoy sa isang daliri, sa mga nilikha sa isang daliri. Pagkatapos ay nagsasabi Siya: Ako ang Hari." Kaya tumawa ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya. Pagkatapos ay bumigkas siya (Qur'ān 39:67): Hindi sila nagsaalang-alang kay Allāh ng totoong pagsaalang-alang sa Kanya."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang ḥadīth na ito ay nagpapatunay sa kadakilaan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, yayamang inilagay Niya ang mga langit, ang lahat ng mga ito, sa isa sa mga marangal na dakilang daliri Niya. Inisa-isa ng Hudyo ang mga nilikhang kilala sa pagkakalikha ayon sa kalakihan at kadakilaan. Binanggit nito na ang bawat uri sa mga ito ay inilalagay ni Allāh sa isang daliri. Kung ninais ni Allāh, talagang inilagay na sana Niya ang mga langit at ang mga lupa at ang sinumang nasa mga ito sa iisa sa mga daliri ng kamay Niya, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Ito ay kabilang sa kaalamang minana buhat sa mga propeta, na natanggap mula sa pagsisiwalat mula kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dahil dito pinaniwalaan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalita ng isang Hudyo, bagkus nagpahanga sa kanya iyon at ikinatuwa niya. Dahil dito, tumawa siya hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya, bilang paniniwala rito gaya ng sinabi ni `Abdullāh bin Mas`ūd sa ibang sanaysay tungkol sa kanya. Binigkas ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sabi ni Allāh (Qur'ān 39:67): "Hindi sila nagsaalang-alang kay Allāh ng totoong pagsaalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga Langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Maluwalhati Siya at pagkataas-taas Niya kaysa sa anumang itinatambal nila sa Kanya." Naglalaman ito ng pagpapatunay sa mga kamay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, bilang pagbibigay-diin at pagkilala sa sinabi ng Hudyo. Walang pagsasaalang-alang sa sabi ng sinumang umayon sa Ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan sa katangian ni Allāh) at nagkakaila sa katangian ng pagkakaroon ng mga daliri ni Allāh sa pag-aakalang ang pagpapatibay rito para kay Allāh ay pagwawangis sa Kanya sa nilikha Niya. Hindi nalalaman ng naniniwala sa Ta`ṭīl na ang pagkilala sa katangiang ito kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi humihiling ng pagwawangis. Tayo ay kumikilala para sa Kanya, pagkataas-taas Niya, ng pagkakaroon ng buhay, kakayahan, lakas, pandinig, at paningin ngunit hindi ito humihiling ng pagwawangis sa Kanya sa nilikha Niya yayamang tunay na Siya, napakamaluwalhati Niya, ay (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita."

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian