O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin

O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling umabot ang mga pagkakasala mo sa mga ulap ng langit, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling nagdala ka sa Akin ng kasinglaki ng lupa na mga kamalian, pagkatapos nakipagkita ka sa Akin nang hindi nagtatambal sa Akin ng anuman, talagang maghahatid nga Ako sa iyo ng kasinglaki nito na kapatawaran."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa banal na ḥadīth: O Anak ni Adan, hanggat namalagi kang dumadalangin sa Akin at umaasa sa awa Ko at hindi ka nalalagutan ng pag-asa, magtatakip Ako sa pagkakasala mo at magpapawi Ako nito habang hindi pumapansin nito, kahit pa man itong pagkakasalang ito at pagsuway ay kabilang sa malalaking kasalanan. O Anak ni Adan, kung sakaling dumami ang mga pagkakasala mo nang isang pagdaming pumupuno sa nasa pagitan ng langit at lupa kung saan umaabot ang mga ito sa mga rehiyon niyon at lumalaganap ang mga ito sa mga dako niyon, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapawi Ako at magpapatawad Ako sa iyo ng lahat ng mga ito habang hindi pumapansin sa dami ng mga ito. O Anak ni Adan, tunay na ikaw – kung sakaling naghatid ka sa Akin matapos ng kamatayan ng kasimpuno ng lupa na mga pagkakasala at mga pagsuway at ikaw nga ay namatay na isang monoteista na hindi ka nagtatambal sa Akin ng anuman – ay talagang tatapatan Ko itong mga pagkakasala at mga pagsuway ng kasimpuno ng lupa na pagpapatawad dahil Ako ay Malawak ang pagpapatawad at nagpapatawad ng lahat ng mga pagkakasala maliban sa Shirk.

فوائد الحديث

Ang lawak ng awa ni Allāh (napakataas Siya), pagpapatawad Niya, at kabutihang-loob Niya.

Ang kainaman ng Tawḥīd at na si Allāh ay nagpapatawad sa mga monoteista ng mga pagkakasala at mga pagsuway.

Ang panganib ng Shirk at na si Allāh ay hindi nagpapatawad sa mga tagapagtambal.

Nagsabi si Ibnu Rajab: Naglaman nga ang ḥadīth na ito ng tatlong kadahilanan na natatamo sa pamamagitan ng mga ito ang kapatawaran sa mga pagkakasala: Una: Ang pagdalangin kasama ng pag-asa; Ikalawa: Ang paghingi ng tawad at ang paghiling ng pagbabalik-loob; Ikatlo: Ang pagkamatay sa Tawḥīd.

Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinasalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya at tinatawag na banal o pandiyos na ḥadīth. Ito ay ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man wala rito ang mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod nito sa iba gaya ng pagpapakamananamba sa pagbigkas nito, pagsasagawa ng kadalisayan para rito, paghahamon nito, paghihimala, at iba pa rito.

Ang pagkakasala ay tatlong uri. A. Ang pagtatambal kay Allāh. Ito ay hindi pinatatawad ni Allāh. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso} (Qur'ān 5:72) B. Ang kawalang-katarungan ng tao sa sarili niya kaugnay sa pagitan niya at ng Panginoon niya na mga pagkakasala at mga pagsuway ngunit tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay makapagpapatawad niyon at makapagpapalampas kung niloob Niya. C. May mga pagkakasalang hindi mag-iiwan si Allāh mula sa mga ito ng anuman. Ang mga ito ay ang kawalang-katarungan ng mga tao sa isa't isa sa kanila kaya kailangan ng qiṣāṣ (ganting-pinsala).

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang Pagbabalik-loob