Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog

Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may limang pangungusap sapagkat nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog. Nagbababa Siya ng timbangan at nag-aangat Siya nito. Inaangat sa Kanya ang ginawa sa gabi bago ng ginawa sa maghapon at ang ginawa sa maghapon bago ng ginawa sa gabi. Ang tabing Niya ay ang liwanag." - sa isang salaysay: "ang apoy" - "Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Tumayo ang Propeta (s) bilang isang mananalumpati sa mga Kasamahan niya kalakip ng limang ganap na pangungusap: Ang Una: Si Allah (aj) ay hindi natutulog. Ang Ikalawa: Isinasaimposible sa panig Niya ang pagkatulog dahil sa kakumpletuhan ng pagkamapag-aruga Niya at buhay Niya. Ang Ikatlo: Siya ay nagbaba ng timbangan at nag-aangat nito sa tinitimbang sa mga gawa ng mga tao, na umaangat na umaakyat sa Kanya; at tinitimbang sa mga panustos sa kanila, na bumabab sa lupa sapagkat ang panusto ay parte at bahagi ng bawat nilikha, na nagbaba nito Siya (z) para maghigpit nito at nag-aangat nito Siya para magpaluwag nito. Inaangat kay Allah ang ginawa ng mga tao sa gabi bago ng [ginawa sa] maghapon matapos niyon at ang ginawa nila sa maghapon bago ng ginawa sa gabi matapos niyon sapagkat ang mga anghel na tagapag-ingat ay nag-aakyat ng mga gawa sa gabi matapos ng pagkawakas nito sa simula ng maghapon at nag-aakyat ng mga gawa sa maghapon matapos ng pagkawakas nito sa simula ng gabi. Ang Ikalima: Ang tabing Niya (z) na tagahdlang sa pagkakita sa Kanya ay ang liwanag o ang apoy. Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya. Ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya ay ang liwanang Niya, kapitaganan sa Kanya, at karingalan Niya. Ang implikasyon: Kung sakaling inalis Niya at hinawi Niya ang tagahadlang sa pagkakakita sa Kanya - ang tabing - at lumantad sa nilikha Niya, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya, ang lahat ng mga nilikha, dahila ang paningin Niya (zt) ay sumasaklawa sa lahat ng mga umiiral.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa pagkaimposible ng pagtulog para kay Allah (zt) dahil sa pagiging ito ay kabilang sa mga kakulangan at Siya ay pinawalang-kinalaman sa mga ito.

Si Allah ay nagpaparangal sa sinumang niloloob Niya at nang-aaba sa sinumang niloloob Niya, at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya at nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya.

Ang mga gawa ay inaangat kay Allah sa bawat araw at sa bawat gabi. Sa gayon ay may isang paghimok sa mga tao na magsaalang-alang sila kay Allah (aj) sa gabi nila at maghapon nila.

Ang hadith ay nagpapatunay sa katarungan ni Allah (z) at kagandahan ng pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa nilikha Niya. Walang duda na ito ito ay kabilang sa mga katangian ng kakumpletuhan Niya (aj).

Ang pagpapatibay sa tabing para sa Kanya (zt), ang liwanag na tagaharang sa pagitan Niya at ng nilikha Niya at kung hindi dahil dito ay talagang nasunog sana sila.

Nagsabi si Al-Ājurrīy: Tunay na ang mga alagad ng katotohanan ay naglalarawan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng ipinanlarawan Niya sa sarili Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ng ipinanlarawan ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at ng ipinanlarawan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Ito ay ang doktrina ng mga maalam kabilang sa mga sumunod at hindi gumawa ng bid`ah." Kaya ang mga alagad ng Sunnah ay nagpapatibay para kay Allāh ng pinagtibay Niya para sa sarili Niya na mga pangalan at mga katangian nang walang taḥrīf (pagpapalihis ng kahulugan), walang ta'til (pagsira sa kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan). Nagkakaila sila para kay Allāh ng ikinaila Niya para sa sarili Niya. Nananahimik sila sa anumang walang naisaad hinggil doon na isang pagkakaila ni isang pagpapatibay. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 42:11): {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.}

Ang liwanag na siyang paglalarawan Niya (zt) ay iba sa liwanag na ipinantabing Niya. Ang liwanang na ipinantabing Niya ay isang liwanang nilikha sapagkat ang liwanag ni Allah () ay isang liwanag na naaangkop sa Kanya at sa sarili Niya. Walang katulad sa Kanya na anuman. Ang nakita ng Propeta (s) ay walang iba kundi ang tabing na magiging nasa pagitan ni Allah at ng mga lingkod Niya.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos, Ang Pagbabalik-loob