"O mga tao, tunay na si Allah ay Kaaya-aya at tunay na si Allah ay nag-utos sa mga mananampalatayang iniutos Niya sa mga isinugo* sapagkat nagsabi Siya (Qur'an 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.}…

"O mga tao, tunay na si Allah ay Kaaya-aya at tunay na si Allah ay nag-utos sa mga mananampalatayang iniutos Niya sa mga isinugo* sapagkat nagsabi Siya (Qur'an 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'an 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaking habang nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit [upang manalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, tunay na si Allah ay Kaaya-aya at tunay na si Allah ay nag-utos sa mga mananampalatayang iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (Qur'an 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'an 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaking habang nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit [upang manalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (s) na si Allah ay Kaaya-aya, na Kabanal-banalan, na pinawalang-kaugnayan sa mga kakulangan at mga kapintasan, na nailalarawan sa mga kalubusan, at hindi tumatanggap mula sa mga ginagawa, mga sinasabi, at mga paniniwala kundi ang naging kaaya-aya, ang wagas ukol kay Allah, ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (s). Hindi nararapat na magpakalapit-loob kay Allah kundi sa pamamagitan niyon. Kabilang sa pinakadakila na ipinantatamo ng kaayahan ng mga gawain para sa mananampalataya ang kaayahan ng kinakain niya, na ito ay maging ipinahihintulot sapagkat sa pamamagitan ninyon bumubusilak ang gawa niya. Dahil dito, nag-utos si Allah sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo na pagkain ng ipinahihintulot at paggawa ng mga maayos sapagkat nagsabi Siya (Qur'an 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'an 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (s) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man ang ipinagkaloob na mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng hajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon. 2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit. 3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin. 4. Nagsusumamo kay Allah sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!" Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?

فوائد الحديث

Ang kalubusan ni Allah (aj) sa sarili Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga kahatulan Niya.

Ang pag-uutos ng pagpapawagas ng gawain kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang paggamit ng anumang nagbibigay-sigla sa paggawa yayamang nagsabi ang Propeta (s): "Tunay na si Allah ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo." Kaya kapag nakaalam ang mananampalataya na ito ay kabilang sa mga iniutos sa mga isinugo, tunay na siya ay lalakas at nabibigyang-sigla sa pagsunod.

Kabilang sa mga tagapigil sa pagtugon sa panalangin ang pagkain ng bawal.

Kabilang sa mga kadahilanan ng pagsagot sa panalangin ang limang bagay: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay dahil sa dulot nito na pagkalumbay na kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagsagot. 2. Ang kalagayan ng kagipitan. 3. Ang pag-unat ng mga kamay patungo sa langit. 4. Ang pangungulit kay Allah sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagbanggit sa pagkapanginoon Niya, na kabilang sa pinakamabigat na ipinanghihiling sa pagsagot sa panalangin. 5. Ang pagpapabuti ng kinakain at iniinom.

Ang pagkain ng ipinahihintulot na kaaya-aya ay kabilang sa mga kadahilanang nakatutulong sa maayos na gawain.

Nagsabi si Al-Qāḍī: Ang kaaya-aya ay kabaliktaran ng karima-rimarim. Kaya kapag naglarawan ito kay Allah ng gayon, tinutukoy roon na Siya ay pinawalang-kinalaman sa mga kakulangan, na binanal palayo sa mga depekto. Kapag naman inilarawan ng gayon ang tao, walang pasubaling tinutukoy roon na siya ang hubad sa mga buktot sa mga kaasalan at mga pangit sa mga gawa at ang nagagayakan ng mga kabaliktaran niyon. Kapag naman inilarawan ng gayon ang mga yaman, tinutukoy roon ang pagiging ito ay ipinahihintulot kabilang sa mabubuti sa mga yaman.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Kadahilanan ng Pagsagot [ni Allāh] sa Du`ā' at mga Nakahahadlang Dito