إعدادات العرض
Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila.
Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag ninais ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan na magparusa sa mga tao ng isang kaparusahang ukol sa kanila dahil sa masamang mga gawa nila, "dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila." Nangangahulugan itong: [madadamay] ang sinumang nasa kanila na hindi kabilang sa ayon sa pananaw nila. Lilipulin ni Allāh ang lahat ng mga tao dahil sa paglitaw ng nakasasama at pagpapahayag ng mga pagsuway. "Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila." Nangangahulugan itong: bubuhayin ang bawat isa sa kanila alinsunod sa gawa niya. Kung siya ay matuwid, ang kahihinatnan niya ay matuwid dahil kung hindi ay masama. Kaya ang parusang iyon ay isang pandalisay para sa mga matuwid at isang paghihiganti sa mga suwail. Ang pagbuhay sa kanila ayon sa mga gawa nila ay kahatulang makatarungan dahil ang mga gawa nilang matuwid ay gagantihan lamang sila dahil sa mga iyon sa Kabilang-buhay. Sa Mundo naman, ang anumang dumapo sa kanila na kasawian, ito ay bilang pagtatakip-sala sa naunang ginawa nila na masamang gawa. Ang parusang ipinadala sa Mundo sa mga lumabag sa katarungan ay matatanggap ng mga kasama nila at hindi nagmasama sa kanila. Iyon ay naging ganti sa mga ito dahil sa pag-ayon ng mga ito. Pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay bubuhayin ang bawat isa sa kanila at gagantihan ayon sa gawa niya.