إعدادات العرض
Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel
Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa [mga naninirahan sa] langit saka magsasabi ito: "Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Nagsabi siya: "Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagtanggap sa lupa." Kapag naman namuhi Siya sa isang tao, tumatawag Siya kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya mamumuhi sa kanya si Gabriel." Pagkatapos mananawagan ito sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na si Allāh ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Pagkatapos ilalagay para sa kanya ang pagkamuhi sa lupa."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Magyar ქართული සිංහල Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Hausa Português मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ Македонски Nederlands ગુજરાતી ਪੰਜਾਬੀالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh — kapag umibig Siya sa lingkod Niyang mananampalatayang tagatalima sa mga ipinag-uutos niya, na tagaiwas sa mga sinasaway — ay nananawagan kay Anghel Gabriel: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Kaya iibig dito ang pinapanginoon ng mga anghel na si Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka mananawagan naman si Anghel Gabriel sa mga anghel ng langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay umiibig kay Polano kaya umibig kayo sa kanya." Kaya iibig naman sa kanya ang mga naninirahan sa langit. Pagkatapos maglalagay sa kanya ng pagtanggap sa mga puso ng mga mananampalataya ng pag-ibig, pagkiling sa kanya, at pagkalugod sa kanya. Kapag namuhi si Allāh sa isang tao, mananawagan Siya kay Anghel Gabriel: "Tunay na Ako ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi ka sa kanya." Kaya mamumuhi sa kanya si Anghel Gabriel. Pagkatapos mananawagan si Anghel Gabriel sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay namumuhi kay Polano kaya mamuhi kayo sa kanya." Kaya mamumuhi naman sila sa kanya." Pagkatapos maglalagay para sa kanya ng pagkamuhi at pagkasuklam sa mga puso ng mga mananampalataya.فوائد الحديث
Nagsabi si Abū Muḥammad bin Abī Jamrah: "Sa pag-uuna ng pag-uutos ng gayon kay Anghel Gabriel bago ng iba sa kanya kabilang sa mga anghel ay may paghahayag ng kaangatan ng katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) higit sa iba sa kanya kabilang sa kanila."
Ang sinumang inibig ni Allāh ay iniibig ng mga naninirahan sa langit at lupa at ang sinumang kinamuhian ni Allāh ay kinamumuhian ng mga naninirahan sa langit at lupa.
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "ilalagay para sa kanya ang pagtanggap sa lupa" ay hindi nag-oobliga rito ang pagkapangkalahatan; bagkus ito ay ayon sa sukat ng ninais ni Allāh para sa kanya na pagtanggap sa lupa, na papaanong hindi samantalang pakikipag-away ng mga masama sa mga mabuti ay nalalaman.
Ang paghimok sa paglubus-lubos sa mga gawain ng pagsasamabuting-loob sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga uri ng mga ito sa tungkulin sa mga ito at mga sunnah sa mga ito at ang pagbibigay-babala laban sa mga pagsuway at mga bid`ah dahil ang mga ito ay kinatitiyakan ng pagkainis [ni Allāh].
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Makukuha mula rito na ang pag-ibig ng mga puso ng mga tao ay isang palatandaan ng pag-ibig ni Allāh at kumakatig dito ang sabi sa mga paglilibing: "Kayo ay mga martir ni Allāh sa lupa."
Nagsabi si Ibnu Al-`Arabīy Al-Mālikīy: Ninanais lamang tukuyin sa mga naninirahan sa lupa ang nakilala sa kanila bukod sa hindi nakikilala at hindi narinig.
