noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong…

noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`aḍ̆īm, ... (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, ...)": Nangungunyapit ako at nagpapakanlong ako kay Allāh at sa mga katangian Niya. "wa-bi-wajhihi –lkarīm, ... (sa mukha Niyang marangal, ...)": Ang Galanteng Tagapagbigay. "wa-sulṭānihi ... (at sa kapamahalaan Niyang ...)": at sa pananaig Niya, kakayahan Niya, at paglupig Niya sa sinumang ninais Niya mula sa nilikha Niya. "[a]lqadīm, ... (datihan, ...)": ang walang-pasimulang walang-hanggan. "mina –shshayṭāni –rrajīm." (laban sa demonyong isinumpa.)": ang pinalayo at ang itinaboy palayo sa awa ni Allāh. Ibig sabihin: O Allāh, ingatan Mo ako laban sa pasaring niya, paglilisya niya, mga hakbang niya, mga haka niya, pag-akit niya, at pagpapaligaw niya sapagkat tunay na siya ay ang kadahilanan sa kaligawan at ang tagapag-udyok sa kalisyaan at kamangmangan. Kaya sinabi kay `Abdullāh bin `Amr: "Sapat na ba?" Ibig sabihin: "Nagsabi ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nito lamang?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya kapag nagsabi ng panalanging ito ang pumapasok sa masjid, magsasabi ang demonyo: "Talaga ngang nag-ingat ang pumapasok na ito sa sarili niya laban sa akin sa lahat ng oras: sa araw niya at sa gabi niya."

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagdalangin ng dhikr na ito sa sandali ng pagpasok sa masjid at na ito ay nag-iingat sa tagapagsabi nito laban sa demonyo sa nalalabi sa araw niya.

Ang pagbibigay-babala laban sa demonyo at na siya ay nag-aabang sa Muslim para magpaligaw rito at magpalisya rito.

Nagtatamo para sa tao ng pagkaingat laban sa pagpapaligaw ng demonyo at pagpapaliko nito ayon sa sukat ng umiiral sa puso niya na pananampalataya at paggunita sa panalanging ito at paniniwala niya sa pangako ni Allāh na inireresulta rito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Dhikr ng Pagpasok at Paglabas ng Masjid