إعدادات العرض
Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?
Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?
Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: {Nagsanaysay sa amin si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nagsabi: "O Propeta ni Allāh, papaano pong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?"} Nagsabi si Qatādah: "Siya nga, sumpa man sa kapangyarihan ng Panginoon natin."}
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Kurdî Wolof Moore Soomaali Français Oromoo Українська Azərbaycan தமிழ் Deutsch bm ქართული Português mk Magyarالشرح
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Papaanong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon? Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba si Allāh na nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?" Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.فوائد الحديث
Ang pagkahamak ng tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon at na siya ay maglalakad sa mukha niya.