Panginoon tulungan mo ako (sa pag alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba sa Iyo)at huwag mo silang tulungan(mapigilan ako sa pag-alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba)sa Iyo,Ipagkaloob Mo sa akin tagumpay at Huwag Mo silang hayaan na magtagumpay laban sa akin,at Linlangin Mo sila para sa…

Panginoon tulungan mo ako (sa pag alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba sa Iyo)at huwag mo silang tulungan(mapigilan ako sa pag-alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba)sa Iyo,Ipagkaloob Mo sa akin tagumpay at Huwag Mo silang hayaan na magtagumpay laban sa akin,at Linlangin Mo sila para sa akin at huwag Mo silang hayaang maglinlang laban sa akin, Patnubayan Mo ako at padiliin sa akin ang Iyong patnubay,at tulangan Mo Ako sa sinumang mang-api sa akin

Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi siya;Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nananalangin:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa,at huwag sa masama,Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama,At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila, laban sa akin,At gabayan ako at padaliin ang pagpapatnubay sa akin,Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin, O Allah,Ibilang mo ako, sa Iyo magpasalamat,at sa Iyo ay mapag-alaala,at sa Iyo ay may takot,at sa Iyo ay sumunod, at sa Iyo ay mapag-kumbaba o magbalik-loob,O Allah,tanggapin Mo ang aking Pagsisi,at dalisayin ang mga kasalanan ko,at Tugunan ang panalangin ko,at panatilihin ang pananalita ko,at Patnubayan ang puso ko,at ituwid ang dila ko,at tanggalin ang masama sa puso ko))

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nanalangin at nagsasabi:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa )): ibig sabihin ay:Tulungan Mo ako sa pag-alaala sa Iyo at pagpapasalamat sa Iyo,at (pagsagawa) ng mabuting pagsamba sa Iyo, (( At huwag sa masama)) ibig sabihin ay: huwag Mo silang tulungan laban sa akin, ang sinumang pumipigil sa akin sa pananampalataya ko sa Iyo,mula sa mga Satanas at Tao at Engkanto,((Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama)) ibig sabihin ay : Ipagkaloob Mo sa akin ang tagumpay laban sa mga walang pananampalataya at huwag Mong hayaang magtagumpay sila sa akin,o ipagkaloob Mo sa akin ang Tagumpay sa aking sarili sapagkat ito ay tumutulong sa aking kalaban,at huwag Mong hayaang magtagumpay ang sarili na nag-uutos ng kasalanan sa akin ,na siyang (nagiging dahilan sa) pagsunod ko sa aking pagnanasa at pag-iwan ko sa patnubay,((At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila laban sa akin)) ibig sabihin ay:Linlangin Mo ang aking mga kalaban na mapanlinlang,at gawin Mo ito sa kanila na hindi nila ito nararamdaman,at huwag Mo itong gawin sa akin.At ang Paglinlang ay kabilang sa mga katangian ni Allah Pagkataas-taas Niya sa kanyang gawain,ngunit hindi ito itinatangi sa kanya sa lahat ng pagkakataon,datapuwat itinatangi lamang ito sa Kanya bilang pagpuri sa Kanya,katulad ng Paglinlang Niya sa mga walang pananampalataya,at sa sinumang naglilinlang sa mga mananampalataya at sa mga katulad pa nito,At hindi ipinapahintulot ang pagtanggi sa katangian ng Paglinlang mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Sapagkat Siya Napaka-Maluwalhati Niya,ay pinapanatili Niya ito sa Kanyang Sarili,Kung-kaya't ipapanatili natin ito sa Kanya-Pagkataas-taas Niya ayon sa (katangiang) nararapat sa Kanya,Napaka-Maluwalhati Niya;((Patnubayan ako at padiliin mo sa akin ang Iyong patnubay)) ibig sabihin ay: Ituro Mo sa akin ang mga kabutihan at padiliin Mo sa akin ang pagsunod sa Iyong patnubay o ang mga daan na magpapatunay sa akin upang hindi maging mabigat sa aking pananampalataya at hindi ako maging abala (sa maka mundong bagay) sa pagsasagawa ko ng pagsamba,((Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin)) ibig sabihin ay:Tulungan Mo ako sa sinumang naging hindi makatarungan sa akin at nang-api sa akin, ((Ibilang mo ako,sa Iyo ay magpasalamat)) ibig sabihin ay:sa Iyong mga biyaya, ((Sa Iyo ay Mapag-alaala)) ibig sabihin ay: Sa lahat ng oras,((Sa Iyo ay may takot)) ibig sabihin ay: Sa panahon ng kaginhawaan at kalungkutan, ((Sa Iyo ay sumonod)) ibig sabihin ay:Maraming pagsunod at ito ay ang pagsuko at pananampalataya (( Sa Iyo ay mapagkumbaba)) ibig sabihin ay : nanalangin at natatakot at nagpapakumbaba,((magbalik-loob)) ibig sabihin ay: bumabalik sa Iyo na nagsisi,Ang pagbabalik-loob ay ang pagsisi mula sa kasalanan patungo sa pananampalataya,((Panginoon Tanggapin Mo ang Pagsisisi ko)) ibig sabihin ay:Gawin Mo itong tumpak,sa mga kondisyon nito at buuin mo rito ang mga mabubuting kaasalan sa pamamagitan nito ay hindi maantala sa Pagtugon,((Dalisayin ang mga kasalanan ko)) ibig sabihin ay : Burahin Monang mga kasalanan ko,((Tugunan ang mga panalangin ko)) ibig sabihin ay:panalangin ko,((Panatilihin ang mga salita ko)) ibig sabihin ay : Sa mga kalaban ko dito sa Mundo, o Panatilihin Mo salita ko at pagiging tapat ko Mundo at sa pagsagot sa (pagtatanong ng) dalawang Anghel,((At patnubayan ang puso ko at itama ang pananalita ko)) ibig sabihin ay:itama mo at ituwid mo ang dila ko nang sa gayon ay hindi makapag-bigkas maliban sa katapatan at hindi makapag-salita maliban sa katotohanan,((At tanggalin ang mga masama sa puso ko)) ibig sabihin ay: Tanggalin Mo rito ang pandaraya at sama ng loob at inggit at paninira nito at ang mga katulad nito,na siyang tumutubo sa dibdib at naninirahan sa puso mula sa mga masamang pag-uugali

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Du`ā' na Ipinahatid