Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag.

Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag.

Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang sinumang nagpakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng anumang kabilang sa mga pagtalima, kahit kakaunti, tatapatan ito ni Allāh ng ilang ulit na paggagantimpala at pagpaparangal. Sa tuwing nagdaragdag ito ng pagtalima, dinaragdagan Niya ito ng gantimpala at nagpapabilis Siya ng awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang kahulugang ito ay pinaniwalaan ng isang pangkat ng mga may kaalaman kabilang sa mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod, na nagpapatibay sa mga katangian [ni Allāh] ayon sa hayag na kahulugan ng mga ito, gaya ni Ibnu Taymiyah. Itinuturing nilang ang ḥadīth na ito ay hindi kabilang sa mga ḥadīth ng mga katangian [ni Allāh]. Naniwala naman ang isang pulutong kabilang sa kanila sa pagpapatibay sa katangian ng pagyagyag para kay Allāh, pagkataas-taas Niya, mula sa ḥadīth na ito nang walang pagsuong sa pagpapaliwanag sa kahulugan nito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos