Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo?

Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo?

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nilikha ni Allāh ang nilikha. Noong natapos Siya roon, tumindig ang sinapupunan at humawak ito sa bigkis sa [Kanyang] Napakamaawain kaya nagsabi Siya rito: "Ano ba?" Nagsabi ito: "Ito ay ang tindigan ng nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagputol ng ugnayang pangkaanak." Nagsabi Siya: "Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo?" Nagsabi ito: "Opo, o Panginoon ko." Nagsabi: "Kaya iyan ay ukol sa iyo." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bigkasin ninyo kung ninais ninyo (Qur'ān 47:22): Kaya marahil kayo ba, kung tatalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ninyo?" Sa isang sanaysay batay kay Imām Al-Bukhārīy: Kaya nagsabi si Allāh: "Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo, magpapanatili Ako ng ugnayan sa kanya; at ang sinumang pumutol ng ugnayan sa iyo, puputol Ako ng ugnayan sa kanya."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang sabi niya: "Nilikha ni Allāh ang nilikha. Noong natapos Siya roon" ay nangangahulugang nagwakas ang paglikha sa mga nilikha. Ito ay nagpapatunay na iyon ay naganap sa isang itinakdang oras, kahit pa man si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay walang hangganan sa kapangyarihan Niya at hindi Siya naaabala ng isang kalagayan buhat sa isang kalagayan subalit hiniling ng karunungan Niya na gumawa Siya para sa gawain Niyang iyon ng takdang oras. Ito ay kabilang sa mga patunay na ang mga gawa Niya ay nauugnay sa kalooban Niya kaya kapag ninais Niyang gumawa ng isang bagay, ginagawa Niya ito. Hindi nangangahulugan ang sabi Niya: "Noong natapos Siya" na Siya ay nakatapos sa paglikha ng bawat bagay, bagkus ang mga nilikha Niya, pagkataas-taas Niya, ay hindi tumitigil ang pag-iral ng isang bagay matapos ang isang bagay subalit nauna ang kaalaman Niya roon, ang pagtatakda Niya roon, at ang pagtatala Niya roon. Pagkatapos ito ay nagaganap dahil sa kalooban Niya kaya walang mangyayari maliban sa anumang nauna na sa kaalaman Niya, at pagtatakda niya; at niloob Niya ito kaya umiral ito. Sinabi niya: "tumindig ang sinapupunan at humawak ito sa bigkis sa [Kanyang] Napakamaawain kaya nagsabi Siya rito: Ano ba?" Itong mga gawaing inuugnay sa sinapupunan, gaya ng pagtindig at pagsabi, ang hayag na kahulugan ng ḥadīth ay ang literal nito sa tunay na kahulugan, kahit pa man ang sinapupunan ay kahulugang umiiral sa mga tao subalit ang kapangyarihan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi sinusukat ayon sa nalalaman ng isip ng tao. Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa kabuuan ng mga ḥadīth ng mga katangiang itinakda ng mga imām na ang mga ito ay dadaanan gaya ng pagdating. Tumutol sila sa sinumang nagkaila sa inoobliga nito. Hindi literal na kahulugan ng ḥadīth na ito na si Allāh ay may tapis at balabal na kauri ng mga kasuutan na isinusuot ng mga tao na kabilang sa niyayari mula sa katad, ilo, bulak, at iba pa. Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita." Nagsabi siya: "Nagsabi ito: Ito ay ang tindigan ng nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagputol ng ugnayang pangkaanak." Ang "pagputol ng ugnayang pangkaanak" ay ang hindi pagpapanatili sa ugnayang pangkaanak. Ang "pagpapanatili sa ugnayang pangkaanak" ay ang pagmamabuting-loob sa mga kaanak, ang pagmamahal sa kanila, ang pagkamalapit sa kanila, ang pag-alalay sa kanila, ang pagtaboy sa nakapipinsala sa kanila, at ang sigasig sa pagtamo ng nagdudulot sa kanila ng pakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay. Sinabi niya: "Nagsabi Siya: Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo? Nagsabi ito: Opo, o Panginoon ko. Sinabi: Kaya iyan ay ukol sa iyo." Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya, magpapanatili si Allāh ng ugnayan sa kanya. Ang sinumang nagpanatili si Allāh ng ugnayan sa kanya, makararating siya sa bawat kabutihan at kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Hindi maiiwasang ang wakas niya ay ang pagkakalapit sa Panginoon niya sa Paraiso dahil ang pagkakaugnay ay hindi nagwawakas malibang doon. Makatitingin siya sa mukha ng ng Panginoon niyang marangal. Ang sinumang pumutol ng ugnayan sa kaanak niya, puputulin ni Allāh ang ugnayan sa kanya. Ang sinumang pinutol ni Allāh ang ugnayan sa kanya, siya ay ang pinutol ang ugnayan kasama ng kaaway ni Allāh, ang demonyong itinaboy, isinumpa.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian