إعدادات العرض
Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang naiibigan ni Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay.
Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang naiibigan ni Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, (s), kay Ashajj `Abdulqays: "Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang naiibigan ni Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî தமிழ்الشرح
Nagsabi ang Propeta, (s), kay Ashajj na kabilang sa liping `Abdulqays: "Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasan," ibig sabihin, dalawang katangian na naiibigan ni Allāh at ng Sugo Niya. Ang mga ito ay ang pagtitimpi at ang hindi pagmamadali. Ang dahilan ay na si Ashajj ay naghinay-hinay hanggang sa natalos niya ang mga kapakanan niya. Hindi siy nagmadali sa pagpunta kasama ng mga kalipi niya. Tungkol naman sa pagtitimpi, iyon ay [makikita] sa pakikipag-usap niya sa Propeta, (s), sapagkat ang pagsasalita niya ay nagpapatunay sa katinuan ng isip niya at kahusayan ng pagkatalos niya sa mga kahihinatnan.