Dumating ang isang monghe mula sa mga monghe sa sugo ni Allah,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi: O Muhammad,natagpuan namin na ang Allah ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang mga kalupaan sa isang daliri at ang puno sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at…

Dumating ang isang monghe mula sa mga monghe sa sugo ni Allah,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi: O Muhammad,natagpuan namin na ang Allah ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang mga kalupaan sa isang daliri at ang puno sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha sa isang daliri,pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari.Napatawa ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hangang sa nakita ang kanyang ngipin,bilang pagpapatunay sa sinabi ng Monghe.Pagkatapos ay binasa niya, "Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot* Niya sa Araw ng Pagbangon" at sa salaysay ni Imam Muslim:"At mga bundok at puno ay sa isang daliri,pagtapos ay yayanigin ito at sasabihin Niya: Ako ang Hari,Ako si Allah" At sa salaysay ni Imam Albukharie:"Ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang nilikha sa isang daliri."

Ayon kay Ibn Mas-ud malugod si Allah sa kanya siya ay nagsabi:Dumating ang isang monghe mula sa mga monghe sa sugo ni Allah,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi: O Muhammad,natagpuan namin na ang Allah ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang mga kalupaan sa isang daliri at ang puno sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha sa isang daliri,pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari.Napatawa ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hangang sa nakita ang bagang niya,bilang patotoo sa sabi ng Monghe.Pagkatapos ay binasa niya, "Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon" at sa salaysay ni Imam Muslim:"At mga bundok at puno ay sa isang daliri,pagtapos ay yayanigin ito at sasabihin Niya: Ako ang Hari,Ako si Allah" At sa salaysay ni Imam Albukharie:"Ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang nilikha sa isang daliri."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ipinahahayag ni Ibni Mas-ud-malugod si Allah sa kanya-na ang isang lalaki na may kaalaman mula sa mga Hudyo ay dumating kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at binanggit niya sa kanya na natagpuan nila sa aklat nila na ang Allah Napakaluwalhati Niya-sa Araw ng Pagbangon ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at mga kalupaan sa isang daliri,at ang puno sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri.At sa isang salaysay: Ang tubig sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha Niya sa isang daliri,mula sa mga daliri Niya-Pagkapita-pitagan at Pagkataas-taas Niya,at ito ay lima ayon sa mga naisalaysay sa tumpak na hadeeth,at ito`y hindi katulad ng mga daliri ng kanyang mga nilikha,na siya ay nagpapakita ng isang bahagi ng kapangyarihan niya at kadakilaan niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.Yayanigin niya ang mga ito at ipahahayag Niya ang tunay na paghahari Niya,ang walang-takdang lubos na pamamahala Niya, at totoong pagkadiyos Niya. Kaya tumawa ang Propeta,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,hanggang sa lumitaw ang mga bagang niya bilang patotoo sa sabi ng monghe. Pagkatapos ay binigkas niya;"Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay"

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian