Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.

Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa daan habang naglalakbay, dinapuan siya ng uhaw. Bumaba siya sa isang balon at uminom mula roon. Nagwakas ang uhaw niya. Noong lumabas siya, walang anu-ano ay may isang asong dala ng uhaw ay kumakain ng putik na namamasa-masa upang sipsipin niyon ang taglay nitong tubig dahil sa tindi ng uhaw niyon. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang dinapuan ang aso ng uhaw na dumapo sa akin." Pagkatapos ay bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig at hinawakan ito ng bibig niya. Nagsimula siyang umakyat gamit ang mga kamay niya hanggang sa makaakyat siya mula sa balon. Pinainom niya ang aso. Noong nakainom ang aso, kinilala ni Allah ang kabutihan ng gawang iyon. Pinatawad siya ni Allah at ipapasok sa Paraiso dahil doon. Noong isinalaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥadīth na ito, tinanong nila siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop?" Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Ibig sabihin: Sa pagpapainom dito, sapagkat ang buhay na nilalang ay nangangailangan ng tubig dahil kung hindi dahil sa tubig, natuyo at nasawi na sana ang hayop. Sa isang sanaysay: "Na may isang babaing nangangalunyang kabilang sa mga anak ni Israel na nakakita ng isang uhaw na asong paikut-ikot sa isang balon na hindi makayang makarating sa tubig. Hinubad niya ang sapatos niya at pinuno ito ng tubig. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya ni Allah dahilan sa ginawang iyon."

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito, Ang mga Karapatan ng Hayop sa Islām