إعدادات العرض
1- Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha.
2- Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop
3- Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot.
4- Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin nang nakakulong ang mga hayop.
5- Tunay na walang nararapaat na magparusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy.
6- Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.
7- Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon