Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon

Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magtatatak maliban sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha." Nag-utos [si Ibnu `Abbās na tatakan] ang asno niya at hineruhan ito sa mga pigi nito. Siya ang una sa naghero sa mga pigi.

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Nakakita ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ng isang asnong hineruhan sa mukha nito at minasama niya iyon. Nasaad sa iba pang ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya: "Isinumpa niya ang gumagawa niyon." Ang pagtatak ay katawagan sa pagheherong isinasagawa sa hayop upang maging isang tandang ginagawa ng mga may mga hayupan bilang isang palatandaan para sa kanila. Ang bawat lipi ay may takdang tatak na maaaring dalawang guhit o mga guhit na parisukat o bilog o gasuklay. Ang mahalaga ay na ang bawat lipi ay may takdang tatak. Ang tatak na ito ay nangangalaga sa hayupan. Kapag natagpuan itong nawawala, malalaman ng mga tao na ito ay pagmamay-ari ng isang lipi at babanggitin nila ito sa mga iyon. Nagsabi siya - tinutukoy si `Abbās bin `Abdulmuṭṭalib - malugod si Allāh sa kanya, gaya ng tahasang nabanggit sa sanaysay ayon kay Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na siya ay nagtatak sa isang kamelyo o isang hayop sa mukha nito. Nakita iyon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagalit. Nagsabi si `Abbās: "Hindi ako magtatatak dito malibang sa hulihan nito." Kaya tinatakan niya ito sa mga pigi nito. Matapos na marinig niya ang pagsaway, nanumpa siya na hindi siya magtatatak ng isang asno malibang sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha nito. Nasaad sa naunang sanaysay ayon kay Ibnu Ḥibbān: "...hindi ako magtatatak dito maliban sa pinakamalayong bahagi mula sa mukha nito." Kaya tinatakan niya ito sa mga pigi nito. Pagkatapos ay nag-utos siya na tatakan ang asno niya kaya tinatakan ito sa mga pigi nito. Ito ang hulihan niyon kung saan ang pinagpapaluan ng hayop ng buntot nito sa hita nito. Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allāh: "Kapag tatatakan ito, itinuturing na kaibig-ibig na tatakan ang tupa sa mga tainga nito at ang mga kamelyo at ang mga baka sa mga ibabaw ng mga hita ng mga ito dahil iyon ay bahaging matigas at kakaunti ang pananakit doon, manipis ang balahibo, at lumilitaw ang tatak. Ang pakinabang ng tatak ay ang makilala ang hayop sa isa't isa." Si `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, ay ang una sa naghero sa asno sa hulihan nito.

التصنيفات

Ang mga Karapatan ng Hayop sa Islām