Tunay na walang nararapat na magdulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy."}

Tunay na walang nararapat na magdulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy."}

Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay. Umalis siya dahil sa tawag ng kalikasan niya. Nakakita kami ng isang [ibong] ḥummarah§ na may kasamang dalawang inakay. Kinuha namin ang dalawang inakay nito. Dumating naman ang ḥummarah saka nagsimula itong magladlad [ng pakpak]. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Sino ang nagpadalamhati rito dahil sa anak nito? Isauli ninyo rito ang anak nito." Nakakita naman siya ng isang nayon ng mga langgam na sinunog nga namin kaya nagsabi siya: "Sino ang sumunog nito?" Nagsabi kami: "Kami po." Nagsabi siya: "Tunay na walang nararapat na magdulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Binanggit ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na sila minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay ngunit umalis siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya. Nakakita naman ang mga Kasamahan niya ng ibong ḥummarah na may kasamang dalawang inakay. Kinuha nila ang dalawa kaya nagsimula ang ḥummarah na magladlad ng pakpak nito at magbukas ng mga ito dala ng pangingilabot dahil sa pagkawala ng dalawang inakay nito. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi siya: "Sino ang nagpalungkot rito at nagpangamba rito dahil sa pagkuha sa mga anak nito?" Pagkatapos nag-utos siya ng pagsauli nito rito. Pagkatapos nakakita naman siya ng nayon ng mga langgam na sinunog na sa apoy kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sino ang sumunog nito?" Nagsabi naman ang ilan sa mga Kasamahan: "Kami po." Kaya nagsabi siya: "Tunay na hindi pinapayagan sa isa na magdulot ng pagdurusa sa isang buhay sa pamamagitan ng apoy kundi si Allāh na Tagalikha nito.

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng pagtatakip para sa pagtugon sa tawag ng kalikasan.

Ang pagsaway laban sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga hayop sa pamamagitan ng pagkuha ng mga anak ng mga ito.

Ang pagsaway laban sa pagsunog ng mga langgam at mga kulisap.

Ang paghimok sa pagkahabag at pagkaawa sa hayop at ang pagkauna ng Islām dito.

Ang pagkaawa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hayop.

Ang pagdudulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy ay kabilang sa natatangi sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

التصنيفات

Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Jihād, Ang mga Karapatan ng Hayop sa Islām