إعدادات العرض
Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop
Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop
Ayon kay Sahl bin `Amr, malugod si Allah sa kanya: "Napadaan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang kamelyong [halos] sumalubong na ang likod nito sa tiyan nito kaya nagsabi siya: Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop." Binalitaan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng ikinagagalak nila. Ipinabatid niya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa kanila na siya hindi nangangamba ng karalitaan para sa kanila dahil ang maralita sa kadalasan ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa mayaman, subalit siya ay natatakot na buksan sa kanila ang Mundo at masasadlak sila sa pagtutunggalian dahil dito. Hindi na sasapat sa tao sa sandaling iyon ang makakamit niya. Bagkus magnanais siya ng higit pa at higit pa sa anumang paraang ikapagtatamo niya ng salapi. Hindi siya papansin ng ḥalāl ni ḥarām. Walang duda na ito ay kabilang sa tagisang mapupulaang hahantong sa patuon sa kamunduhan at paglayo sa Kabilang-buhay. Mapapahamak sila gaya ng pagkapahamak ng nauna sa kanila.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî தமிழ்الشرح
Nakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang kamelyo na [halos] dumikit na ang likod nito sa tiyan nito dahil sa tindi ng gutom kaya ipinag-utos niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kabaitan sa mga hayop, at na isinasatungkulin sa tao na tratuhin ang mga ito nang magandang pagtrato kaya naman hindi aatangan ang mga ito ng hindi makakaya ng mga ito, hindi magkukulang sa karapatan ng mga ito sa pagkain at inumin. Kung sasakyan ang mga ito, dapat nababagay sakyan. Kung kakainin ito dapat nababagay kainin.التصنيفات
Ang mga Karapatan ng Hayop sa Islām