إعدادات العرض
Tunay na si Allāh ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya.
Tunay na si Allāh ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya.
Ayon kay Ya`lā bin Umayyah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakakita ng isang lalaking naliligo sa nakalantad na pook nang walang tapis kaya pumanik siya sa pulpito, nagpuri kay Allāh, at nagbunyi. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Русскийالشرح
Nakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang lalaking naliligo sa pampublikong lugar nang nakahubad. Pumanik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pulpito. Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi. Pagkatapos ay nagsabi: "Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay mahiyaing mapagtakip, na naiibigan ang hiya at ang pagtatakip kaya naman kapag naligo ang isa sa inyo ay magtakip siya." Nangangahulugan itong tunay na kabilang sa mga pangalan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang Ḥayīy (Mahiyain) at ang Satīr (Mapagtakip). Naiibigan Niya, napakamaluwalhati Niya, ang hiya at ang pagtatakip kaya hindi nararapat sa isang Muslim na maglantad ng kahubaran niya sa harapan ng mga tao kapag naliligo, bagkus kinakailangan sa kanya na magtakip. Ang hiya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay paglalarawang naaangkop sa Kanya - hindi ito gaya ng hiya ng nilikha, na isang pagbabago at panlulumong dumadapo sa kanya sa sandali ng pangamba sa maipipintas sa kanya o maipupula sa kanya - bagkus ito ay ang pag-iwan sa hindi naaangkop kaalinsabay ng lawak ng awa Niya, kalubusan ng kagalantehan Niya, pagkamapagbigay Niya, at kadakilaan ng pagpapaumanhin Niya at pagtitimpi Niya.