Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang…

Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Maglalantad ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae. Tungkol naman sa mga nagpapanggap na nagpapatirapa noon sa Mundo upang makita sila ng mga tao, pipigilan sila sa pagpapatirapa at gagawin ang mga likod na parang iisang gulugod. Hindi nila makakayang yumuko ni magpatirapa dahil sila ay hindi naman sa katotohanan nagpapatirapa noon kay Allāh sa Mundo. Nagpapatirapa lamang sila dahil sa mga makamundong layon. Hindi ipinahihintulot na ipakahulugan ang "lulod" bilang katindihan o pighati o iba pa, bagkus kinakailangang pagtibayin ito bilang isang katangiang taglay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, walang pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis ng kahulugan.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang Pagpapaimbabaw