Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Ang kapangyarihan ay tapis Ko at ang pagmamalaki ay balabal Ko, kaya ang sinumang makipagtunggali sa Akin sa anuman sa dalawang ito, pagdurusahin Ko siya.

Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Ang kapangyarihan ay tapis Ko at ang pagmamalaki ay balabal Ko, kaya ang sinumang makipagtunggali sa Akin sa anuman sa dalawang ito, pagdurusahin Ko siya.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Ang kapangyarihan ay tapis Ko at ang pagmamalaki ay balabal Ko, kaya ang sinumang makipagtunggali sa Akin sa anuman sa dalawang ito, pagdurusahin Ko siya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kapangyarihan at ang pagmamalaki ay dalawang katangiang laan kay Allah. Hindi nakikilahok sa Kanya sa dalawang ito ang iba pa sa Kanya gaya ng hindi pakikilahok sa tao ng ibang tao sa balabal nito at tapis nito na mga kasuutan nito. Ginawa ni Allah, pagkataas-taas Niya, ang dalawang katangiang ito na nakakapit sa Kanya at kabilang sa mga katangian Niya na hindi matatanggap na makilahok sa mga ito ang isa man. Ang sinumang mag-angking nagtataglay ng kapangyarihan at pagmamalaki, nakipagtunggali nga siya kay Allah sa kaharian Niya. Ang sinumang nakipagtunggali kay Allah, pagdurusahin Niya ito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian