Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos at tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian.

Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos at tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi ang mga tao: "O Sugo ni Allāh, nagmahal ang presyo kaya magpresyo ka para sa amin." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos at tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Tumaas ang mga presyo ng mga paninda sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya hiniling ng mga tao sa kanya na takdaan para sa kanila ang mga presyo ng mga paninda kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay ang Tagapagpresyo, ang Tagapagkait, ang Tagapagtustos..." Nangangahulugan ito: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang nagpapamura sa mga bagay at ang nagpapamahal sa mga ito, ang nagpapagipit sa panustos sa sinumang loobin Niya, at nagpapaluwag nito sa sinumang loobin Niya. Nangangahulugan ito: Kaya ang sinumang nagtangkang magkontrol ng presyo, tumutol nga ito at sumalungat kay Allāh sa anumang ninanais Niya at nagkait sa mga tao ng mga karapatan nila, na ipinagkatiwala sa kanila ni Allāh kaugnay sa pagmahal at pagmura ng presyo. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ako ay talagang umaasang makatagpo ko si Allāh samantalang walang isa sa inyo na maniningil sa akin ng isang paglabag sa katarungan sa buhay ni sa ari-arian." Ito ay isang pahiwatig na ang pinagbawalan sa pagkokontrol ng presyo ay dahil sa pangambang malabag niya sila sa katarungan sa mga ari-arian nila. Tunay na ang pagkokontrol sa presyo ay isang pagkokontrol dito nang walang pahintulot ng karapat-dapat dito kaya ito ay magiging isang paglabag sa katarungan subalit kapag nagsabwatan ang mga nagtitinda, halimbawa, na mga negosyante at mga tulad nila sa pagtaas ng mga presyo ng mga may kasakiman sa kanila, may karapatan ang tagapangsiwa ng kapakanan sa pagtatakda ng makatarungang presyo para sa mga bilihin, halimbawa, bilang pagtataguyod sa katarungan sa mga tagapagtinda at mga mamimili at batay sa pangkalahatang panuntunan, ang panuntunan ng pagkamit ng mga nakabubuti at ang pagtulak sa mga nakasasama. Kung hindi naganap ang pagsasabwatan mula sa kanila at tumaas lamang ang presyo dahil sa dami ng pangangailangan at kakauntian ng paninda nang walang pandaraya, walang karapatan ang tagapangasiwa ng kapakanan na takdaan ang presyo, bagkus hahayaan ang mga nasasakupan. Tinutustusan ni Allāh ang ilan sa kanila mula sa iba sa kanila. Alinsunod dito, hindi ipinahihintulot sa mga negosyante na magtaas ng presyo nang labis sa nakasanayan ni kontrolin ang presyo. Ayon dito ipakakahulugan ang ḥadīth na ito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian