Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}

Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig sa mga lugar kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay ang mga masjid ng mga iyon dahil ang mga ito ay mga bahay ng mga pagtalima at ang pundasyon ng mga ito ay nasa taqwā (pangingilag magkasala) at ang pinakakasuklam-suklam sa mga lugar kay Allāh ay ang mga palengke ng mga iyon dahil ang mga ito kadalasan ay puwesto ng pandaraya, panlilinlang, ribā (patubo sa utang), mga sinungaling na panunumpa, pagsira sa pangako, at pag-ayaw sa pag-alaala kay Allāh.

فوائد الحديث

Ang kabanalan ng mga masjid at ang katayuan ng mga ito dahil ang mga ito ay mga bahay ng inaalaala sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas.

Ang paghimok sa pananatili sa mga masjid at kadalasan ng pagpapabalik-balik sa mga ito para sa paghiling ng pag-ibig ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagkalugod Niya at sa pagpapakaunti ng pagbabalik-balik sa mga palengke malibang para sa pangangailangan para sa pag-iwas sa pagkasadlak sa mga kadahilanan ng pagkasuklam.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang mga masjid ay lugar ng pagbaba ng awa at ang mga palengke ay ang kabaliktaran ng mga ito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian