إعدادات العرض
Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya.
Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya.
Ayon kay Shaddād bin Aws, malugod si Allāh sa kanya: Nakapagsaulo ako mula sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng dalawa. Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausaالشرح
Ipinababatid ni Shaddād bin Aws, malugod si Allāh sa kanya, na natuto siya mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng dalawang bagay: Una: Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay nagpapahusay; naiibigan Niya ang pagpapahusay sa bawat bagay." Kabilang sa mga pangalan ni Allāh ang Al-Muḥsin (Ang Nagpapahusay, ang Tagapagbiyaya, ang Maawain, ang Mahabagin). Siya, napakamaluwalhati Niya, ay ibig ang pagpapakahusay, ang pagpapala, ang pagkaawa, at ang pagkahabag sa bawat bagay. Ang ikalawa naman, na inireresulta ng unang usapin, ay ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya kapag pumatay kayo ay husayan niya ang pagpatay at kapag kumatay kayo ay husayan ninyo ang pagkatay, hasain ng isa sa inyo ang patalim niya, at paginhawahin niya ang kinakatay niya." Ito ay nangangahulugang kapag pumatay kayo ng isang tao na kabilang sa mga taong ipinahihintulot patayin gaya ng Kāfir na nakikidigma o murtadd o mamamatay-tao o iba pa, kinakailangan sa inyo na husayan ang paraan ng pagpatay at ang anyo nito. Gayon din kapag kumatay kayo ng mga hayop, kinakailangan sa inyo na husayan ang pagkatay sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapaginhawa sa kinakatay, paghahasa sa kutsilyo, pagpapabilis sa paghiwa, at iba pa. Itinuturing na kaibig-ibig na hindi hasain ang kutsilyo sa harap ng kakatayin, hindi kakatayin ang isang hayop sa harap ng ibang hayop, at hindi kakaladkarin ito sa pagkakatayan nito.