Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa…

Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol

Ayon kay Jaber bin Abdullah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-naipa-alam sa akin ang isang Hadith buhat sa isang lalaking narirnig nito mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t bumili ako ng kamelyo.at ginamit ko ito sa paglalakbay ko,naglakbay ako sa loob ng isang buwan,Hanggang sa dumating ako sa kanya sa Shaam,ito pala ay si Abdulla bi Unays,sinabi ko sa nagbabantay ;Sabihin mong si Jaber ang nasa pintuan.Nagsabi siya: Ibn Abdullah? Sinabi ko: Oo;Lumabas siyang naapakan ang damit nito,pagkatapos ay niyakap niya ako at niyakap korin siya.Sinabi kong; Isang Hadith na naipaalam sa akin buhat sa iyo na tunay na narinig mo ito mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kuwento.kayat natakot ako na mamatay ka o mamatay ako bago ko ito marinig,Sinabi niya; Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsasabi;(( Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagaoag-Hatol,at hindi nararapat sa isang taong mananahanan sa Impiyerno na mapasok sa Impiyerno kung mayroon siyang karapatan sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya.At hindi nararapat sa isang Taong mananahanan sa Paraiso na mapasok sa Paraiso kung isa sa mga Taong mananahanan sa Impiyerno, sa kanya ay may karapatan,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya;kahit Ang sampal."Nagsabi siya; Sinabi namin; Papaano;Kung tayo ay darating kay Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-na nakahubad,hindi tuli at walang dala? Nagsabi siya;(( Sa mga kabutihan at kasamaan))

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ipinapahayag ni Jāber bin 'Abdullah Al-Ansārie Na napag-alaman niya na si 'Abdullah bin Unays ay narinig niya ang Isang Hadith mula sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Na hindi pa niya ito narinig,Kayat bumili siya ng kamelyo at inilagay niya rito mga bagahe niya pagkatapos ay naglakbay sa loob ng isang buwan,hanggang sa dumating sa Shām,at pumasok siya kay 'Abdullah bin Unays,Ang sabi niya sa nagbabantay:Sabihin mo sa kanya:Si Jāber Ang nasa pintuan,Ang sabi ni 'Abdullah bin Unays:ibn 'Abdullah?nagsabi si Jāber;Oo,nagmadali itong lumabas Na naapakan niya Ang damit dahil sa pagmamadali nito,at nagyakapan silang dalawa,Ang sabi sa kanya ni Jāber:Napag-alaman ko na narinig mo mula sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang Hadith sa Kuwento,natakot akong mamatay ka o mamatay ako bago ko ito marinig,Ang sabi niya: Narinig ko Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na nagsasabi:(( Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; ((Wala silang dala kahit na anong bagay)) Ibig sabihin ay: titipunin ni Allah Ang lahat ng Tao sa Araw ng Pagkabuhay sa isang lugar upang sila ay hatulan,at igawad sa kanila Ang mga gantimpala ng mga gawain nila,at sila sa oras Na yaon ay nakahubad at hindi tuli,tulad ng pagkasilang sa kanila ng mga Ina nila,wala silang dala-dala Na kahit anong bagay mula sa Mundo.Pagkatapos ay sinabi niya:(( Pagkatapos ay tatawagin sila ng boses)) At Ang Pagtawag ay hindi maisasagawa maliban sa (pag gamit ng )boses,at hindi malalaman ng mga Tao Ang pagtawag kung wala Ang boses,at ito ay ganap Na katapatan at pagliliwanag Na si Allah ay nagsasalita ng salitang naririnig mula sa kanya-Pagkataas-taas Niya,Ngunit ang boses Niya ay hindi naihahalintulad sa mga boses ng nilikha Niya,Kayat sinabi niya:((Naririnig ito ng sinumang napakalayo tulad ng pagkarinig nito sa sinumang malapit))Ang katangian na ito ay partikular sa boses Niya -Pagkataas-taas Niya,Ngunit Ang mga boses ng mga nilikha Niya,ay naririnig lamang ito ng sinumang malapit rito,Ayon sa lakas ng boses at hina nito.at katotohanang napakarami nang patunay(mula sa Quran at Hadith) na nagpapatotoo rito, Kabilang dito Ang sinabi Niya-pagkataas-taas Niya;{At tinawag silang dalawa nang Panginoon nila,Hindi Ko ba ito ipinagbawal sa inyong dalawa}At sinabi Niya:{At Aming tinawag siya muli sa kanang bahagi ng bundok at dinala Namin siya na malapit(sa Amin) upang maghabilin} at Sinabi Niya:{ At alalahanin nang ang Inyong Panginoon ay tumawag Kay Mūsa(Na nagsasabi):Pumaroon ka sa mga Tao na mapagsamba sa diyus-diyosan}.Pagkatapos ay sinabi niya:((Ako Ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol)) ibig sabihin ay;Ako ang Tumatawag Na naririnig ng lahat ng mga tao sa kani-kanilang kinalalagyan,naririnig ito nang sinumang napakalayo tulad ng pagkarinig ng sinumang malapit,Siya sa pagkasabi niya;((Ako Ang Hari,Ako Ang Tagapag-Hatol)) Siya Na Pagkataas-taas Niya,Ang Hari,Na nasa Kamay Niya Ang pag-aangkin ng Pag-aari(at pamamahala) sa kalangitan at kalupaan at sa napapaloob rito,at Siya Ang Tagapag-Hatol na gunagawad ng gantimpala sa mga gawain ng alipin Niya.Sinuman ang gumawa ng kabutihan ay gagawaran NIya ito nang Mas-mainam pa sa ginawa nito,at sinuman Ang gumawa ng kasamaan,gagawaran niya ito sa anumang nararapat rito.Pagkatapos ay Sinabi Niya:((hindi nararapat sa isang taong mananahanan sa Impiyerno na mapasok sa Impiyerno kung mayroon siyang karapatan sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya.At hindi nararapat sa isang Taong mananahanan sa Paraiso na mapasok sa Paraiso kung isa sa mga Taong mananahanan sa Impiyerno, sa kanya ay may karapatan,hanggang sa makuha Ko ito mula sa kanya;kahit Ang sampal)) Ibig sabihin ay;Katotohanang si Allah kamahal mahalan Siya at kapita-pitagan,ay maghahatol sa pagitan ng mga alipin niya na Makatarungan,at kukunin sa mula sa taong nagkasala Ang karapatan ng taong naapi,at hindi mapapasok Ang isang taong mananahanan sa Impiyerno,sa Impiyerno,kung mayroon siyang karapatan sa taong mananahanan sa Paraiso hanggang sa makuha niya ang karapatang ito.At ito ay ganap na makatarungan sapagkat ang walang pananampalataya at ang makasalanan,kahit sila ay papasok sa Impiyerno ngunit sila ay hindi hahatulan ng kawalan nang katarungan.Kapag nagkaroon sila ng karapatan muli sa isang Taong mananahanan sa Paraiso,ay kukunin ito sa kanya.At gayundin ang sutuwasyon ng mga taong mananahanan sa Paraiso.Ang sabi ng isang kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Papaano maibibigay sa mga tao Ang kanilang mga karapatan kung wala silang dala-dalang bagay mula sa Mundo?Ang sabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sa mga Kabutihan at kasamahan)) Ibig sabihin ay:tunay Na mababayaran Ang mga karapatan sa pamamagitan ng pagkuha nang naapi sa mga kabutihan ng nang-aapi o makasalanan,at kapag naubus Ang kabutihan ng Nang-aapi o makasalanan ay kukunin Ang mga kasalanan ng Naapi at ilalagay(isasama) sa kasalanan ng Nang-aapi o makasalanan pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno,katulad nang nabanggit sa Hadith.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa mga Pangalan at mga Katangian, Ang Buhay sa Kabilang-buhay